Search This Blog

Loading...

Which Whitney Houston tribute did you like more? "ASAP 2012" or "Party Pilipinas?"

Thursday, January 28, 2010

Angelica, tagumpay sa pagtataray!


MARAMI ang ‘naasiman’ ngayon kay Angelica Panganiban, dahil kakaiba raw ito kung sumagot sa tanong ng mga TV reporters at entertainment writers. Parang palagi raw palaban, at tila sobra-sobra kung ipangalandakan ang kanyang alindog.

Pero sa totoo lang, hindi dapat kamuhian si Angelica sa mga kakaiba niyang pagsagut-sagot sa tanong, dahil kung tutuusin, dapat siyang purihin, at tila tagumpay siya sa layunin niyang makuha agad ang atensiyon ng mga manonood para sa bago niyang teleserye sa ABS-CBN, ang Rubi.

Bongga nga si Angelica, dahil palaging in character bilang Rubi ang drama niya. Ganun na ganun kasi ang pagkatao ni Rubi, na isang mataray, palaban, at hindi papayag na maapi.

Si Rubi ay isang babaeng may maitim na ambisyon, na kahit sino ay hindi niya hahayaang hadlangan siya, makuha lang ang kanyang kagustuhan, ang makaahon sa kahirapan.

Sabi nga, mas lalo pang kikinang ang ganda at talent ni Angelica sa Rubi. Si Angelica na tinaguriang Primetime Gem ng ABS-CBN, na dapat lang naman. Sabi nga ni Angelica, 18 taon ang puhunan niya bago makamit ang ganitong sitwasyon sa showbiz. Sa loob ng 18 taong karanasan na ‘yon daw niya hinasa ang kanyang pag-arte.

“May pressure talaga sa part ko. Pero, more than sa pressure, mas nangingibabaw ang challenge na magampanan kong mabuti ang role ko. Sobrang excited talaga ako, at ngayon lang talaga ako hindi kinabahan, na may ilalabas akong project, na nakapangalan talaga sa akin, kaya sobrang excited at proud ako,” sabi ni Angelica.

Share

DISCLAIMER

All the videos and contents are to their respectful owners. No copyright infringement intended. Some videos are linked for youtube.com, justin.tv, ustream, etc.

LionhearTV simply provides the information for readers who may be interested.

LionhearTV claims no credit for any images featured on this site unless otherwise noted. If you own the rights to any of the articles, images or videos and do not wish them to appear on the site please contact us and they will be promptly removed.

Email me:

All rights reserved : Lionheart 2009
for feedback - email me at AOLionheart@yahoo.com
Related Posts Plugin for WordPress, Blogger...
Twitter Delicious Facebook Digg Stumbleupon Favorites More

 
Design by Free WordPress Themes | Bloggerized by Lasantha - Premium Blogger Themes | Bluehost Coupons