Search This Blog

Loading...

Friday, December 31, 2010

"Amaya", wala pa ring leading man


Panay-panay ang pagpapalabas ng GMA 7 ng teaser ng Amaya, ang epic serye na pagbibidahan ni Marian Rivera. But as of today, wala pa ring napipiling leading man para sa aktres sa rami nang nag-audition.

Nag-audition daw sina JC Tiuseco at Mike Tan at nabanggit din ni Geoff Eigenmann na he auditioned for “something big,” pero wala pang balita kung nakapasa siyang kapareha ni Marian. Sabi, nag-audition din si Tom Rodriguez ng PBB, pero hindi na nito hinintay kung pumasa siya dahil nag-sign daw ng panibagong kontrata sa ABS-CBN.

Anyway, kung susuwertihin si Geoff, ang Amaya ang next project niya after Grazilda at siya ang next leading man ni Marian. Siguro naman may chemistry silang dalawa, ‘no?

Share

Gwen Zamora, pasok sa "Machete"


Kasama rin si Gwen Zamora sa Machete kaya makakatrabaho na nito si Aljur Abrenica. Aminado naman siyang matagal na niyang crush ang young actor.

Lumabas na raw sila noon para kumain pero hindi naman daw date sey naman ni Aljur. Kung sakaling magkaroon daw ng panahon, yayayain daw niyang lumabas ang baguhang aktres sabi naman ni Aljur. Pero hindi kaya magselos si Vic Sotto dahil balitang nagkadebelopan na ang dalawa?

“Hindi naman hahaha! Wala namang ganun, asawa ko na ‘yun eh asawa ni Enteng ‘yun at mananatiling asawa ni Enteng hanggang dun lang.

“Talagang sabi ko nga kanina dahil sa tagal ng shooting namin dahil sa rami ng shooting days parang naging isang pamilya na kami on and off camera mararamdaman mo ‘yung samahan,” sagot ni Vic Sotto nang tinanong naman namin sa victory party ng Si Agimat at si Enteng Kabisote tungkol sa kanila ni Gwen.

Share

Mark Herras, Lolit Solis at Nadia Montenegro, Magkakaayos na kaya?


Hindi na nga ba itutuloy ni Manay Lolit Solis ang pagbitaw kay Mark Herras?

Nagkausap muli ang dalawa kasama si Nadia Montenegro at natalakan na naman ang dalawa.

Nangako naman daw si Mark na hindi na niya uulitin ang pagiging unprofessional at aayusin na raw niya ang kanyang trabaho.

Inayos ng ilang top executives ng GMA 7 ang nasabing pagkikita ng dalawang kampo dahil ayaw daw nilang mawala si Mark sa kuwadra ni Manay Lolit.

Abangan sa Startalk ang paghaharap nilang tatlo dahil magi-guest sina Mark at Nadia para klaruhin na kung nagkaayos na ba sila.

Share

Andy Gonzales, makakasama ni Louise delos Reyes sa "Alakdana"


Mukhang mga baguhan ang isasalang sa telefantasyang "Alakdana" ng GMA7. Ang mga bida sa "Alakdana" na sina Louise delos Reyes at Paolo Avelino ay magkakaroon ng kauna-unahang team-up at lead role pa sa telefantasyang ito.

Isa pa sa madadagdag sa cast nito ay si Andy Gonzales na unang nakilala bilang si RJ Faulkerson na napabalitang papasok dati sa Bahay ni Kuya sa Pinoy Big Brother Teen Edition 3. Si Andy ay nanalo ng titulong Ginoong Sta. Rosa in 2009 at Ginoong Laguna this 2010. Dati na siyang nakapasok sa Starstruck Top 60 ngunit hindi pinalad makapasok sa Top 30.

Share

Ahron Villena, Balik Kapamilya!


Pagkatapos siyang mapanood at iwelcome bilang Kapuso sa katatapos lamang na Survivor Philippines : Celebrity Showdown kung saan si Akihiro Sato ang nanalo, heto't balik-Kapamilya na muli si Ahron Villena na produkto ng TV Idol ng MTB nina Ai-Ai at Edu.

Balik-ABS-CBN ang Survivor Philippines castaway na si Ahron Villena dahil mapapanood siya sa Mutya. Makakasama rin niya ang balik-Kapamilyang si Alfred Vargas na pagbibidahan ng beauty queen na si Precious Lara Quigaman.

Share

GMA 7 may engrandeng New Year Countdown


Sasalubungin ng GMA 7 ang bagong taon sa pamamagitan ng isang engrandeng selebrasyon sa 2010 To 2011: The GMA New Year Countdown sa Seaside Boulevard, Pasay City ngayong Biyernes, Dis*yembre 31.

Mag-uumpisa ang party sa isang maningning na parada ng mga Kapuso stars at isang fireworks display. Susundan ito ng isang dance number mula sa Starstruck discoveries na sila Aljur Abrenica, Mark Herras, Paulo Avelino, Enzo Pineda, Rocco Nacino at Steven Silva kasama ang magagaling na Kapuso singers.

Siguradong may wow factor rin ang performances mula sa The Great American Circus, GMA Tween Royalties, Sexbomb dancers, Kamikazee at marami pang iba!

Bukod sa performances, makikipag-bonding ang Kapuso stars sa kanilang fans at TV viewers sa games at surprises na sadyang pinaghandaan para mapasaya ang lahat.

Tampok din ang greetings ng mga Pinoy mula sa iba’t ibang parte ng mundo via GMA Pinoy TV.

May miyembro pa ng audience na papalaring matawagan at makausap ang kanyang loved ones abroad!

Siguradong masaya at walang tulugan ang gabi kasama sina Kuya Germs, Janno Gibbs, Gabby Eigenmann, KC Montero at DJ Rico Robles bilang mga host ng nasabing event.

Mag-uumpisa ang Parade of Lights and Stars sa ganap na 8:00 p.m. at 10:45 p.m. naman ang show na may live telecast sa GMA 7.

Share

Tuesday, December 28, 2010

Dwarfina, Unang pasabog ng GMA7 sa 2011


Unang pasabog ng GMA Network sa 2011 ang Heart Evangelista at Dennis Trillo starrer na Dwarfina. Kakaibang excitement ang hatid nito base sa TV plug tungkol sa love story ng normal na lalaki (Dennis) at babaing duwende (Heart).

Unang nagsama sa episode ng Dear Friend sina Heart at Dennis na sinundan sa pelikulang Mano Po 6.

Sayang nga lang at may kani-kanyang pag-ibig na ang dalawa kaya hindi na sila puwedeng i-link pa, huh!

Bukod kina Heart at Dennis, star studded ang fantaserye na kinabibilangan din nina Janice de Belen, Chanda Romero, Cris Villanueva, Iwa Moto, Mark Bautista, Derrick Monasterio, Yogo Singh, Kylie Padilla, Jackie Lou Blanco, Jestoni Alarcon, Angelika dela Cruz, Emilio Garcia, Pauleen Luna, Tony Mabesa, Will Devaughn, Mico Aytona, Vaness de Moral, Gerrard Pizzaras at Bearwin Meily. Special guest naman si Cong. Lani Mercado. Mula ito sa direksiyon ni Mike Tuviera.

Share

Pablo S. Gomez' "MUTYA"


Mutya is a fantasy/drama komiks serial written by Pablo Gomez and illustrated by Louie D. Celerio, about the kind, playful and helpful mermaid Mutya who with her powers, helped cure a blind girl named Lagring. The story was published in the pages of Pinoy Klasiks from 1978 to 1983.

The new "Mutya" stars Precious Lara Quigaman and Alfred Vargas; one of the 2011 teleserye offerings of ABS-CBN.


Share

Xyriel Anne Manabat, Maswerteng bata!

Isa sa mga pinakamaswerteng bata sa taong 2010 ay si Xyriel na nakilala natin bilang Agua at Bendita sa "Agua Bendita" series ng ABS-CBN. Sinundan pa 'yun ng isang napakagandang teleserye na "Momay" na talagang tumatak sa mga manonood.


Hindi pa siya nabakante dahil isinama pa siya sa teleseryeng Noah na malapit nang magtapos sa susunod na taon.

Produkto siya ng Star Circle Kid Quest. Hindi siya ang big winner pero dahil nakitaan siya ng potential ay nagtuloy-tuloy ang pagsikat niya.

Siya ang first choice para sa role ng magic bibe ng Super Inday and the Magic Bibe na unang ginampanan ni Aiza Seguerra na entry naman ng Regal sa MMFF 2010. Hindi pinayagan si Xyriel na gumanap doon pero mas naging maganda naman ang kapalit nito dahil inilagay siya sa Ang Tanging Ina Mo (Last na 'To) na entry naman ng Star Cinema sa MMFF 2010.

At dahil sa hindi matatawarang pagganap niya sa movie ni Miss Ai-Ai, siya ang tinanghal na Best Child Actress ng katatapos lang na MMFF 2010. Congratulations Xyriel!

Share

Angel Locsin clarifies that she is not switching networks


Angel Locsin denied the rumor that she is supposedly planning to transfer TV networks again. Just recently some tabloids have insinuated that Angel might be joining the bandwagon of stars who will be switching TV networks.

“Nabalitaan ko rin, pero imposibleng mangyari naman kasi may kontrata pa ako sa ABS-CBN,” clarified Angel. She added that her contract with the Kapamilya network will exist until next year.

“Hindi ko naman ho siguro hobby ‘yung lumipat ng istasyon,” joked Angel, who has previously transferred to ABS-CBN from GMA-7 in 2007. The Imortal actress also justified that she has no plans of switching TV networks because she is happy with her current home network. “Kung naa-appreciate ‘yung talent mo naa-appreciate ko rin na nare-recognize ka. Malaki kasi ang utang na loob ko sa ABS-CBN (and) so far okay naman ‘yung mga projects na ibinibigay nila sa akin.”

The actress also denied that she got an offer from TV5 and further explained that the substantial projects that she is currently doing only proves that she is being taken good care of by the Kapamilya network.

Meantime, Angel shared her excitement over the upcoming season two of the primetime teleserye Imortal and added that fans can expect the story to intensify in the coming weeks. “Abangan n’yo po kung ano ang magiging itsura ni Mateo (John Lloyd Cruz) ‘pag naging bampira na siya. Tingnan natin kung ano ang look niya, syempre tingnan natin kung hanggang saan ang pag-iibigan nina Lia (played my Angel) at Mateo and ang mga bago pang characters na papasok.”

She said that she is having a short break this Christmas and she is looking forward to spending her vacation with her family.

On the other hand, Volumes 1 and 2 of Imortal are recently released on video and are now available in leading video stores nationwide.

by: Bernie Franco
Share

Unli-Tsismis, Bagong segment ng Showbiz Central!


Ini-launch ang bagong segment ng Showbiz Central na Unli-Tsismis last Sunday na nag-klik sa viewers at tiyak na marami pa ang magpa-participate.

Magaganda ang tanong ng viewers at maayos ding sinagot ng mga artista.

Iba na namang pakulo ito ng Showbiz Central sa pamumuno ni Direk Rico Gutierrez.


Share

Monday, December 27, 2010

Dwarfina nina Heart at Dennis, bigatin!

Ang ganda ng teaser ng Dwarfina, ang fantaserye na pagbibidahan ni Heart Evangelista kapareha si Dennis Trillo.

Paano nga ba magkagustuhan ang isang mortal at isang duwende? Ito ang sasagutin ng fantaserye na kaya pala sunud-sunod ang pagpapalabas ng trailer ay dahil sa January 10, 2011 na ang premiere at papalit sa Grazilda.

Malaki ang cast nito, na kinabibilangan ni Pauleen Luna at kasama si Mark Bautista sa first soap niya sa GMA-7. Join din si Kylie Padilla, anak ni Robin Padilla, at narito rin si Congresswoman Lani Mercado.

Ang mga bumubuo pa ng cast ay sina Angelika dela Cruz, Janice de Belen, Iwa Moto, Emilio Garcia, Jackielou Blanco, Mico Aytona, Cris Villanueva, Will Devaughn at Chanda Romero.

Share

Metro Manila Film Festival 2010 Winners


Here is the complete list of MMFF 2010 winners:

1st Best Picture: Ang Tanging Ina Mo Rin: Last Na 'To! (Star Cinema)

2nd Best Picture: Rosario (Cinemabuhay & Studio5)

3rd Best Picture: RPG: Metanoia (Ambient Media & Star Cinema)

Best Actress: Ai-Ai delas Alas (Ang Tanging Ina Mo Rin: Last Na 'To!)

Best Actor: Dolphy (Father Jejemon)

Gatpuno Antonio Villegas Cultural Award: Rosario

Best Director: Wenn Deramas (Ang Tanging Ina Mo Rin: Last Na 'To!)

Best Screenplay: Mel del Rosario (Ang Tanging Ina Mo Rin: Last Na 'To!)

Best Story: Mel del Rosario (Ang Tanging Ina Mo Rin: Last Na 'To!)

Best Supporting Actress: Eugene Domingo (Ang Tanging Ina Mo Rin: Last Na 'To!)

Best Supporting Actor: Dolphy (Rosario)

Best Cinematography: Carlo Mendoza (Rosario)

Best Editing: John Wong (Rosario)

Best Production Design: Joel Luna & Miki Hahn (Rosario)

Best Visual Effects: Rico Guttierez & Co. (Si Agimat at si Enteng Kabisote)

Best Makeup: Nestor Dayao & Co. (Si Agimat at si Enteng Kabisote)

Best Theme Song:- "Gaya Ko" (RPG: Metanioa)

Best Musical Score - Jesse Lazaten (Ang Tanging Ina Mo Rin: Last Na 'To!)

Best Sound Recording - (tie) Ditoy Aguila (Super Inday and the Golden Bibe) & Ambient Media (RPG: Metanoia)

Best Child Performer: Xyriel Manabat (Ang Tanging Ina Mo Rin: Last Na 'To!)

Best Indie Film: Presa (Adolf Alix)

Gender Sensitive Award: RPG: Metanoia & Ang Tanging Ina Mo Rin: Last Na 'To!

Best Float: Rosario

Best Dressed: Dennis Trillo and Jennylyn Mercado

Faces of the Night: Sen. Bong Revilla and Sam Pinto


The 36th MMFF Awards Night was hosted by siblings Ruffa, Raymond, and Richard Gutierrez.

Share

Claudine matindi ang problema kay Raymart?


Totoo kayang may ibang dahilan talaga kung bakit isinugod sa hospital si Claudine Barretto? Ang daming naglabasang kuwento tungkol sa pagkaka-ospital nito pero walang sagot dito ang aktres at sabi ng mga taong malapit sa kanya, mabuting hayaan na lang na kusang mamatay ang intriga at ayaw na niyang patulan.

Pero ayon naman sa aming reliable source, isa sa mga naglabasang kuwento ay may bahid ng katotohanan.

May problema nga ba talaga ang aktres at may pinagdadaanan ito ngayon na maaaring makaapekto sa pagsasama nila ni Raymart Santiago?

Share

LionhearTV's Most Popular Posts for 2010




  1. POLL: Pinakamaraming Fans na Loveteam, Nov 4, 2010, 89 comments, 18,097 Pageviews
  2. FREE LIVESTREAM : Pacquiao vs Margarito 11.13.10, Nov 11, 2010, 4,361 Pageviews
  3. Anong Christmas Station ID ngayong 2010 ang tumatak sa inyo?, Dec 6, 2010, 8 comments, 2,470 Pageviews
  4. Pacquiao Vs Margarito Live Streaming Online for FREE Nov 13, 2010, 2,303 Pageviews
  5. Iya Villania moving to GMA-7's "Party Pilipinas"?, Nov 3, 2010, 13 comments, 2,162 Pageviews
  6. Voting is now open for Ampalaya Awards 2010, Oct 6, 2010, 26 comments, 2,049 Pageviews
  7. Sex video ni Mark Herras hindi totoo!, Oct 7, 2010, 2 comments, 1,939 Pageviews
  8. Anim na bagong Shows ng GMA7 sa taong 2011, Kaabang-abang!, Sep 16, 2010, 7 comments, 1,779 Pageviews
  9. Higanteng networks, kinabog ni Dingdong!,  Dec 13, 2010, 1,718 Pageviews
  10. Grazilda Makes Kapamilya Nervous, Oct 5, 2010, 18 comments, 1,640 Pageviews



Share

Bantatay, Extended pa!


Extended ang Bantatay dahil sa mataas na ratings ng early primetime show ng GMA 7.

Matagal nang natapos ang unang nakasabayan sa ere nitong Kokey @ Ako sa ABS-CBN at ngayon naman at Sabel ang katapat nito pero hindi pa rin natitinag kaya napagpasyahan ng network na iextend pa ito.

Iba naman kasi ang atake ng Bantatay! Marami pang magagandang values na matututunan at swak na swak sa timeslot na ito para sa pamilya. Congratulations sa lahat ng mga bumubuo ng Bantatay!

Share

Anne Curtis, bagong endorser ng SMDC!


Huwag nang magtaka kung mukha na ni Anne Curtis ang makikita ninyo sa mga brochures at billboards ng SM Development Corporation dahil siya na ang official endorser nito.




Si Anne Curtis ang bagong endorser ng SM Development Corporation at ang mga billboards niya ang makikita sa lansangan.

Share

Sunday, December 26, 2010

Today I'll See The Sun Music Video by Frencheska Farr


Frencheska Farr's debut album "Inside my Heart" is comprised of the songs "Today I’ll See the Sun", her carrier single, “Everytime” and “Ang Pag-ibig Kong Ito,” which were used as ost for various GMA shows; “Isama Mo Ako,” will be used for the upcoming “Captain barbell” series; “Sa Pangarap Ko,” “This Feeling,” “Bakit Ikaw” and the title track. Also in the album is her revival of Vesta Williams’ “Suddenly It’s Magic” and of U2’s “I Still Haven’t Found What I’m Looking For.” Grab your copy now!

This is the music video directed by Bianca King

Share

Jonalyn Viray's invitation for Jonatics Barkada Post Christmas Party


Jonalyn's Birthday Party Celebration was a HUGE SUCCESS. Now, let's bring it to the next level with a BIGGER, BETTER and MORE FUN CHRISTMAS PARTY for ALL JONATICS out there. The Best Christmas Party Experience awaits on 27th of December 2010. 6:00PM at Center Stage Family KTV and Resto Bar2/F, CTTM Square Timog Ave. Quezon City

Come and enjoy this much awaited events.

WHAT: Jonatics Barkada Post Christmas Party with JONALYN VIRAY
WHEN: DECEMBER 27, 2010 assembly time is 6:00pm
WHERE: Center Stage Family KTV and Resto Bar2/F, CTTM Square
Timog Ave. Quezon City

Sing, Dance & Party!

Php 350.00 per head
inclusive food and drinks

RSVP: Ismael - (+639) 219561684 / Rikki - (+639) 153269033


Share

Aljur naghahanap ng eternal love


Sa Jan. 24 na ang pilot ng Machete na pagbibidahan ni Aljur Abrenica, kaya pagpasok ng bagong taon, ang pagti-taping ng soap ang kanyang priority. Kumukuha siya ng wushu class, ngpapa-fit at kailangan din niyang mag-acting workshop dahil ayaw mapahiya sa mga kasama gaya ni Ryan Eigenmann na kanyang kontrabidang aktor.

Paghahanap sa eternal at true love ang istorya ng bagong Machete at masaya si Aljur dahil hindi na siya nag-audition, siya ang pinili ng GMA 7 na gumanap sa role ni Machete. Masaya siya sa mga leading ladies niyang sina Ryza Cenon at Bela Padilla at kasama pa ang nali-link sa kanyang si Gwen Zamora.

Share

Agot hindi natuloy sa TV5


Hindi pala natuloy sa Babaing Hampaslupa ng TV5 si Agot Isidro, may naging problema sa negosasyon. Kung natuloy lumipat si Agot, hindi lang ang soap ang kanyang gagawin sa istasyon, isasama rin siya sa Talentadong Pinoy at isa pang show sa bubuksang free channel ng TV5.

Si Bing Loyzaga ang pumalit kay Agot sa role ng main villain ng soap ng TV5 at gaganap sa role ni Katarina. Mahusay ding aktres si Bing at kayang-kaya niyang pahirapan sina Alice Dixson, Alex Gonzaga, at Ms. Susan Roces.

Mapapanood pa rin naman si Agot dahil kasama siya sa The General’s Daughter ng ABS-CBN na eere next year.

Share

AGB Neilsen (Mega Manila Only) - People Ratings : December 22, 2010 (Wednesday)

Shining Inheritance 2.9%
Banana Split 2.3%

Love ni Mister, Love ni Misis 2%
Kapamilya Blockbusters 3.8%

Kapuso Movie Festival 7.4%
Eat Bulaga 11.1%
Showtime 5.1%

Yaman ni Lola 4.9%
Pilipinas Win na Win 4.3%

Little Star 5.4%
Juanita Banana 4%

Koreana 7.7%
Precious Hearts Romances Presents Alyna 3.7%

Temptation of Wife 10.2%
Down with Love 2.8%

Bantatay 10.9%
Sabel 4.4%

24 Oras 10.9%
TV Patrol 6.8%
Willing Willie 8.3%

Jillian, Namamasko Po 9.3%
Noah 8.5%

Grazilda 8.7%
Mara Clara 9.9%

Beauty Queen 9.4%
Imortal 10.1%

Puso ng Pasko 6.5%
Kristine 8.5%

East of Eden 4.4%
Showbiz News Ngayon 4%

Share

AGB Neilsen (Mega Manila Only) - People Ratings : December 21, 2010 (Tuesday)

Shining Inheritance 2.9%
Banana Split 1.8%

Love ni Mister, Love ni Misis 2.4%
Kapamilya Blockbusters 3.9%

Kapuso Movie Festival 5.5%
Eat Bulaga 10.9%
Showtime 5.9%

Yaman ni Lola 4.7%
Pilipinas Win na Win 3.9%

Little Star 5.6%
Juanita Banana 4%

Koreana 7.6%
Precious Hearts 3.5%

Temptation of Wife 10.4%
Down with Love 2.3%
Shout Out 2.4%

Bantatay 10.5%
Sabel 4.5%

24 Oras 9.7%
TV Patrol 8.6%
Willing Willie 9.9%

Jillian, Namamasko Po 10.3%
Noah 8.7%

Grazilda 9%
Mara Clara 9.7%

Beauty Queen 10%
Imortal 10.6%

Puso ng Pasko 6.7%
Kristine 7.3%

East of Eden 3.9%
Showbiz News Ngayon 3.3%.

Share

MMFF 2010 Opening Day Top Grossers


Here are the top grossers in the opening day of the 36th Metro Manila Film Festival (MMFF) 2010 according to MMFF official Ric Camaligan:

1. Si Agimat at Si Enteng Kabisote
2. Ang Tanging Ina Mo Rin (Last na ‘To)
3. Dalaw
4. Shake, Rattle &Roll XII
5. Super Inday at ang Magic Bibe
6. Rosario
7. Father Jejemon
8. RPG: Metanoia

Share

Friday, December 24, 2010

Official statement ng ABS-CBN sa pamamaalam ng Pilipinas, Win na Win


Ang last episode ng Pilipinas Win na Win ay sa Dec 31. Pinasasalamatan ng ABSCBN ang Hitmakers, sina Valerie Concepcion, Pokwang, K Brosas staff at higit sa lahat ang mga manonood na tumatangkilik sa programa. Ang oras na iiwan ng PWNW ay pansamantalang sasakupin ng Showtime, na patuloy na nagbibigay saya at pag-asa sa mga Pilipino sa buong mundo.

-From Bong R. Osorio ABS-CBN Corp Comm.

Share

GMA Telebabad Show Lineup for 2011

1. I Heart You Pare


Starring Dingdong Dantes and Regine Velasquez

2. Dwarfina

Starring Heart Evangelista and Dennis Trillo

3. Amaya

Starring Marian Rivera

4. Machete

Starring Aljur Abrenica, Ryza Cenon and Bela Padilla

5. The return of Mars Ravelo’s Captain Barbell

Starring Richard Gutierrez and Jillian Ward

This is the video

American Idol season 10, malapit na sa Q Channel 11!


Ang pinakamalaki at pinakaaabangang talent search sa buong mundo ay muling mapapanood sa Q Channel 11 simula January 2011 – ang American Idol Season 10!

Siguradong tututok ang libu-libong Pinoy na American Idol fanatics sa simula palang ng taon dahil isang round na naman ng mga kahanga-hangang performances ang mapapanood. At sa pinakaaabangang 10th Season nito, bibida hindi lang ang mga magagandang pagbabago na mas magpapakulay sa talent competition kung hindi pati na rin ang dalawang sikat na artists sa entertainment at music scene. Simula January ay makakasama na ng IDOL host na si Ryan Seacrest at resident judge na si Randy Jackson ang actress, movie producer, at platinum-selling recording artist na si Jennifer Lopez at ang Grammy Award-winning singer, songwriter at rock icon na si Steven Tyler!

Makakasama rin ng hopefuls ang respetadong record producer na si Jimmy Iovine, chairman ng Interscope Geffen A&M Records, bilang in-house mentor. Ibabahagi ni Iovine sa mga contestants ang kanyang expertise at mga tips kung paano nila makukuha ang title na American Idol Season 10.

Share

GMA-7 gives all-out support to 'Captain Barbell'


Gagastusan nang malaki ng GMA-7 ang Captain Barbell at balita namin, gagawing 3D ang pilot episode nito. Kapag natuloy, makapagmamalaki si Richard na ang show niya ang unang 3D show ng Channel 7 kahit pilot episode lang.

Hindi lang 'yon kundi pati sa cast ay ibinigay na ng GMA7 dito at ang hindi matatawarang ganda ng special effects.

Share

Thursday, December 23, 2010

Alakdana, Tuloy na Tuloy na!


Tuloy na ang pagbibida ni GMA Artist Center talent na si Louise delos Reyes at isa sa cast ng Reel Love Presents Tween Hearts dahil kahapon, ginanap ang storycon ng soap sa GMA 7 na kanyang pagbibidahan.

Pinamagatang Alakdana ang project ng bagets at si Paulo Avelino ang ibinigay ng Channel 7 na kanyang leading man. Inalis ang actor as the main contravida sa Captain Barbell para ipareha kay Louise.


Share

‘Captain Barbell’ costume ni Richard, binago ang disenyo at kulay!


Nagustuhan namin ang bagong costume ni Richard sa Captain Barbell dahil mas maganda ito kumpara sa dating costume na ginamit niya.

Personal na humingi ng permiso si Richard sa pamilya ni Mars Ravelo para magkaroon ng bagong design at kulay ang costume ng original at sikat na Pinoy superhero.


Share

Grazilda, malapit nang magtapos!

Nasa lungkot mode na si Glaiza de Castro dahil malapit nang magtapos ang Grazilda na aabot ng 15 weeks sa ere.


Nasa kanya na ang script ng week 15, pero ayaw muna niyang basahin. Marami siyang mami-miss sa pinagbibidahang fantaserye kabilang ang co-stars na pawang mababait, kahit ’yung mga gumaganap na kontrabida.

Matutuwa ang Team Eric (Geoff Eigenmann) dahil siya rin ang gusto ni Glaiza na makatuluyan ng karakter niyang si Grazilda dahil sa marami nilang pinagdaanan together.

Pero alam ni Glaiza na may Team Kasmir (Daniel Matsunaga) rin sa viewers.

“Parehong masayang katrabaho sina Geoff at Daniel, mas palabiro at mas maharot lang si Daniel at may pagka-seryoso si Geoff, but at least, hindi ako nanu-nose-bleed sa kanya.”

May Christmas break ang taping ni Glaiza, kaya may time siya to be with her family sa Pasko at maayos ang bahay nila lalo na ang kanyang kuwarto.

Sumabay sa taping ang kanilang paglipat at hindi pa niya naiikot nang husto ang kanilang bahay.

Share

Shalani demands higher TF from Willie?

Kung true nga itong chika, my loving editor Butch R, na dahil sa sulsol daw ng ibang mga taong nakapaligid kay Valenzuela Councilor Sha-lani Soledad na siya ang dahilan at hindi si Willie Revillame kung bakit pinapanood ang ‘Di Kawili-wili, este Wil-ling Willie show nila sa TV 5 na kopyang-kopya sa Wo-wowee ng Dos.


Mula sa original na ta-lent fee ni Shalani na P500,000 per month (kalahating milyong piso pala ang payzung kay magandang konsehala ni Willie), humihingi raw ng dagdag na suweldo ang ex-GF ni P’Noy.

At shocking, dahil ang request umano nito, dahil siya (Shalani) rin daw ang reason kung bakit pinapasok ng commercial ang WillingWillie, dagdagan siya ng another P300,000.

So, kung may katotohanan nga ito, aabot na pala sa P800,000 bawat buwan ang magiging TF ng controversial politician/ TV host.

Ang sabi pa, hindi raw pumayag si Willie sa bagong deal na ito ng kanyang sinisintang co-host na si Shalani.

Kung ganoon, nanganganib na mawala at mag-resign sa show ang nabanggit na konsehala? Just asking!

by Peter Ledesma

Share

Tuesday, December 21, 2010

Miriam Quiambao, Kapatid na rin!


Wala si Miriam sa storycon ng Ang Utol Kong Hoodlum dahil umalis siya noong Lunes pa-New York. Sa lugar na ‘yon siya magpa-Pasko at doon na rin niya sasalubungin ang 2011 kasama ang mga kamag-anak niya.

Sabi ni Miriam, first time niya na magwa-“White Christmas” kaya excited siya. Sa huling text sa akin ni Miriam, naikuwento niyang busy na siya sa pamamasyal sa New York kasama ang kanyang mga kamag-anak. Bago umalis papuntang New York, nakapag-Christmas shopping na si Miriam para sa ilang relatives at sa kanyang tatay.

Ang bibilhin na lang daw ni Miriam sa New York ay para sa kanyang nanay at kapatid.
Kailangang bumalik kaagad ni Miriam ng Pilipinas sa Enero 6 para sa taping ng Ang Utol Kong Hoodlum.

Share

JC De Vera, may bagong teleserye agad sa TV5!

Nag-story conference kahapon ang bagong teleserye ng TV5 na pagbibidahan ni JC de Vera, ang Ang Utol Kong Hoodlum, kung saan introducing ang younger sister ni Anne Curtis na si Jasmine Curtis Smith. Ginanap ang storycon sa Broadway studio ng TV5. After ng storycon, nag-pictorial ang cast.


Like Anne, ma-PR din si Jasmine at palagi siyang nakangiti. Bukod sa tapings sa Baguio at Manila, magte-taping din ang Ang Utol Kong Hoodlum sa Sydney at Melbourne dahil kaila­ngang bumalik ng Australia ni Jasmine. Inayos ang script ng teleserye para magswak na may mga eksena sa bansang ‘yon.

Excited na si JC sa location taping nila sa Australia. Very proud ang binata na after ng My Driver Sweet Lover nila ni Danita Paner ay isa na namang big-budgeted show ang ibi­nigay sa kanya ng Kapatid network.
Happy rin si JC na matitindi ang supporting stars nila ni Jasmine sa Ang Utol Kong Hoodlum. Si Jay Manalo na co-Royale Artists Management, Inc. talent ni JC ang pangunahing kontrabida sa nabanggit na teleserye ng TV5. Kasama rin sa show si Miriam Quiambao.

Share

Sitcom nina Aga at Willie, ‘niluluto’ na


KAHIT kalat na ang balitang pumirma na ng kontrata sa Kapatid network si Aga Muhlach ay nananatiling tahimik ang mga executive ng TV5 kapag inuusisa ng entertainment press tungkol doon.

Ayon sa isang executive ng TV station ni Mr. Manny V. Pangilinan na nakausap ko, wala pa silang go signal mula sa kanilang big boss, pati sa TV5 Pres. Rey Espinosa, kaya hindi pa sila puwedeng magbigay ng official statement tungkol doon. Malamang na sa Enero pa sila maglalabas ng official announcement para formally ay i-welcome sa Kapatid network si Aga.

Basta sa ngayon, ang bilin lang sa kanila ay “dedma” muna kapag inuusisa ng entertainment press tungkol sa paglipat ni Aga sa Kapatid network. Anyway, ayon sa isang source ko, isang sitcom with Willie Revillame ang “niluluto” ng Kapatid network para kay Aga. Magkaibigan sina Aga at Willie at ang huli raw ang nag-conceptualize ng project na ‘yon.

Share

Claudine, ayaw nang patulan ang mga intrigang ibinabato sa kanya!


Matagal nang nakara­ting kay Claudine Barretto ang mga naglabasang intriga tungkol sa kanya kaugnay sa pagkakaospital niya.

Nasa blind item lang ito dati na obvious na siya ang tinutukoy, pero lumabas sa Pinoygossipboy na dahil daw sa overdose ng shabu kaya isinugod siya sa Medical City. Nakausap namin ang handler ni Claudine at aware sila sa mga naglabasang intriga pero ayaw nang patulan ito ni Claudine.

Matagal nang lumabas iyang pagkakaospital at nu’ng Linggo ay nasa Party Pilipinas kaya nasagot na hindi totoo ang balita. Naospital siya pero matagal na raw iyun bago pa maglabasan ang mga blind item tungkol sa kanya.

May theraphy raw sa throat niya na kailangang ipa-treat dahil lagi lang itong namamaos. Iyun lang daw at wala nang mas malala pa roon.

Sinubukan naming kapanayamin si Claudine kahapon pero out of town na raw ito na malapit lang sa pagdadausan ng kasal nina Ogie Alcasid at Regine Velasquez.

Dadalo raw sila ni Raymart Santiago at tuloy na rin sa pagbakasyon nga­yong Pasko. Binanggit ni Claudine noon sa story conference ng Jillian, Namamasko Po na isa sa mga araw na ito ay magsasalita siya para klaruhin ang mga naglabasang intriga tungkol sa kanya. Nasasaktan lang daw siyang ang daming naglabasan gayong tumahimik na siya at hindi na pinapatulan ang mga nagpapatutsada at nang-iintriga sa kanya.

Share

Sina Rocco Nacino at Sheena Halili na?

Kahit tumatanggi si Sheena Halili, nakikita naming iba ang ngiti niya kapag napapag-usapan si Rocco Nacino. Matagal na naming nabalitaang sila na pero tumatanggi sila. Maaring napagsabihan dahil may Koreana pa si Rocco at si Kris Bernal ang ka-partner niya roon.

Kung sa gayon, hindi magiging member ng SMP (Samahan ng Malalamig ang Pasko) si Sheena at Rocco. Mukahng okey naman silang dalawa at bagay talaga!

Share

Alfred, Prinsipe ng Karagatan sa fantaseryeng "Mutya"

Sinukatan na si Alfred Vargas ng costume niya para sa Mutya, ang TV series ng ABS-CBN na pagbibidahan ng isang sikat na child star.


Prinsipe ng karagatan ang role ni Alfred sa Mutya kaya required siya na nakahubad sa maraming eksena.

Malaki raw ang talent fee ni Alfred dito according sa manager niyang si Lolit Solis at siguradong aariba na naman ang career niya sa muli niyang pagbabalik sa ABS-CBN.


Share

Unang Silip sa Epicseryeng "Amaya"


Marami n atalaga ang nag-aabang kung ano ang magiging istorya ng kauna-unahang epicserye sa Pilipinas na handog ng GMA7 sa 1st quarter ng 2011.

Bukas sa 24 Oras, mapapanood ng official full trailer ng "Amaya".

This is the teaser

Share

Iya Villania, Melissa Cantiveros at Jericho Rosales, nagsanib-pwersa para sa isang Kapamilya Realiserye!


Another realiserye will be launched by the Kapamilya network this coming 2011 as part of their "Bida Best" lineup! This is called "I Dare You, The Kapamilya Exchange".


This coming 2011, a new realiserye will premiere that would challenge the courage, ability and perseverance of the Kapamilya stars. Your favorite Kapamilya stars will take the role of ordinary people and what they do in an ordinary day!

For the first time, Iya Villania, Melai Cantiveros and Jericho Rosales were combined to host this new show!

Share

Precious Lara Quigaman, magiging serena sa kanyang launching teleserye na "Mutya"


Isa na namang beauty queen ang binigyan ng ABS-CBN ng isang malaking break pagkatapos ni Bianca Manalo sa Juanita Banana. Ngayon naman ay si Precious Lara Quigaman sa isang fantaserye na handog ng ABS-CBN sa kanilang mga manonood ngayong 1st quarter ng 2011.

Mahilig ang mga Pilipino sa mga kwento ng serena kaya nga pumatok ang kauna-unahang fantaserye ng ABS-CBN na "Marina" kung saan naman nagbida si Claudine Barreto. Ito ang isa sa mga kalakasan ng ABS-CBN, kung saan binibigyan nila ang mga talents nila ng opportunity para magbida sa isang serye.

Ang magiging leading man ni Precious Lara rito ay si Alfred Vargas.


Share

Ang anim na babae sa buhay ni Captain Barbell

 Solenn Heusaff
 Sam Pinto
 Michelle Madrigal
 Isabel Oli
 Bianca King
Frencheska Farr

Sila ang mga pangunahing babae na makakasama ni Richard Gutierrez sa nagbabalik na pakikipagsapalaran ni Captain Barbell sa Telebabad. Isama pa natin diyan ang cute na cute na nakilala bilang "Trudis Liit" na si Jillian Ward.

Sa anim na mga nabanggit na mga babae na makakapareha ni Richard, sino kaya sa kanila ang deserving maging main leading lady?


Share

DISCLAIMER

All the videos and contents are to their respectful owners. No copyright infringement intended. Some videos are linked for youtube.com, justin.tv, ustream, etc.

LionhearTV simply provides the information for readers who may be interested.

LionhearTV claims no credit for any images featured on this site unless otherwise noted. If you own the rights to any of the articles, images or videos and do not wish them to appear on the site please contact us and they will be promptly removed.

Email me:

All rights reserved : Lionheart 2009
for feedback - email me at AOLionheart@yahoo.com
Related Posts Plugin for WordPress, Blogger...
Twitter Delicious Facebook Digg Stumbleupon Favorites More

 
Design by Free WordPress Themes | Bloggerized by Lasantha - Premium Blogger Themes | Bluehost Coupons