Home » , , » ABS-CBN, naghahanap ng magiging bagong Captain Barbell

ABS-CBN, naghahanap ng magiging bagong Captain Barbell

Written By Mangyan Adventurer on Saturday, July 30, 2011 | 10:50


Sino naman kaya ang pagaganapin na Captain Barbell ng ABS-CBN ngayong nabili na nila ang rights nito sa pamilya ni Mars Ravelo, writer ng nasabing nobela? Katatapos lang kasi ng Captain Barbell sa GMA7 at ngayon ay nasa ABS-CBN na ang karapatan para mamili ng kanilang bagong gaganap sa superhero na ito.

Kahit nagawa na ito ng dalawang beses ng GMA 7, marami pa rin ang magiging interesado na mapanood nito kapag ginampanan ito ng isang Kapamilya. Ganito kasikat ang superhero na ito. Sino kaya ang babagay sa role na ito sa mga Kapamilya leading men? May suggestion ba kayo?

Si Richard Gutierrez ang huling gumanap sa TV bilang Captain Barbell at ayon sa kanya (mula sa isang panayam), wala pa siyang nakikitang babagay sa role kundi siya lamang.


Share
Share this article :
 
Support : SEO ServicesHealthy Lifestyle Tips Creating Website | Johny Template | Mas Template
Copyright © 2011. LionhearTV - All Rights Reserved
Template Modify by Creating Website
Proudly powered by Blogger