Home » , » Grand Finals ng kiddie talent search ng GMA-7 na Pre-School I-Shine Talent Camp TV na bukas!

Grand Finals ng kiddie talent search ng GMA-7 na Pre-School I-Shine Talent Camp TV na bukas!

Written By Mangyan Adventurer on Saturday, July 30, 2011 | 11:16


Isa sa 12 na I-Shiners ang tatanghaling Grand Shining Child Star sa pagwawakas ng kiddie talent search ng GMA-7 na Promil Pre-School I-Shine Talent Camp TV bukas. Pero bago ang big announcement, magpapakitang gilas muna ang mga finalist sa isang Grand Recital.

Ang mga nakakuha ng pinakamaraming stars noong dance workshop ay magpe-perform sa isang dance number habang ang mga nag-excel naman sa pag-arte ay magtatanghal sa isang short play.

Samantala, isang song number ang ihahandog ng mga pinakamahuhusay umawit habang ang mga nag-stand out naman sa hos­ting workshop ay makikipagsabayan kina Mikee Cojuangco-Jaworski, Paolo Contis, at Jillian Ward.

Sino kaya kina Angel, Aqi, Nicole, Vaughn, Val, Fyren, Sasha, Sean, Cassie, JN, Cheska at Juan Carlos ang nakakuha ng pinakamaraming stars at mag-uuwi ng grand prize na P200,000 at contract under GMA Artist Center?

Mapapanood ang pinaka-aabangang Grand Recital at finale ng Promil Pre-School I-Shine Talent Camp TV bukas pagkatapos ng Showbiz Central sa GMA-7 na may simultaneous telecast din sa GMA News TV.

Share
Share this article :
 
Support : SEO ServicesHealthy Lifestyle Tips Creating Website | Johny Template | Mas Template
Copyright © 2011. LionhearTV - All Rights Reserved
Template Modify by Creating Website
Proudly powered by Blogger