Search This Blog

Loading...

Tuesday, May 31, 2011

Amaya, hinila ang ratings ng Captain Barbell at Munting Heredera


Hindi lingid sa kaalaman ng lahat na mababa ang ratings ng Captain Barbell, ang natapos na Dwarfina at ang Munting Heredera bago dumating ang Amaya sa Telebabad line-up ng GMA7.

Isang malaking tulong ang pananabik ng mga Kapuso at sa magandang quality ng Amaya kaya naman sa pagtaas ng ratings nito ay lalong nahihila pataas ang Captain Barbell at ang susunod sa Amaya na Munting Heredera.

Naririto ang AGB Nielsen Mega Manila TV Ratings : May 31, 2011

Magic Palayok 6.8%
Mula sa Puso 5.0%

24 Oras 10.1%
TV Patrol 8.3%
WilTimeBigtime 5.1%

Captain Barbell 11.5%
100 Days 12.6%

Amaya 15.2%
Minsan Lang Kita Iibigin 12.8%
Babaeng Hampaslupa 5.0%

Munting Heredera 13.5%
Mara-Clara 15.6%

Secret Garden 10.8%
The Biggest Loser 9.3%

Share


Amaya, lalo pang tumaas sa second day nito!


As expected, lalo pang tumaas ang ratings ng Amaya sa AGB Neilsen! Ang pilot rating nito noong Lunes ay nagtala ng 14.3%/26.2% sa People/Household Ratings at ang katapat nitong Minsan Lang Kita Iibigin ng ABS-CBN ay nagtala naman ng 11.6%

Lalo pang tumaas ang ratings ng Amaya sa second day nito kung saan isisilang na ang batang Amaya at magsisimula na ang kwento ng pakikipagsapalaran ng ating bida. Nakapagtala ang Amaya ng 15.2%/26.7% People/Household Ratings sa katapat na  Minsan Lang Kita Iibigin na nakakuha lamang ng 12.8% sa People Ratings.

Inaasahan pang tataas ito sa pagtakbo ng kwento at ang paglabas ni Marian bilang Amaya. Abangan lamang iyan!

Share




Rhian, mananakot sa Spooky Nights!

Si Rhian Ramos naman ang mananakot at magpapatawa sa Spooky Nights Presents: Snow White Lady and the Seven Ghosts, simula sa Sabado (Hunyo 4).


Gaganap si Rhian bilang Snow, isang batang babaing kinidnap ng mapaghiganting puno ng balete na nagnga-ngalang Rico J. Puno. Lumaki siya sa panga-ngalaga ni Basya (Celia Rodriguez), isa sa seven ghosts na nakatira sa balete. Walang maalaala si Snow sa kanyang buhay tao at ang tangi ni-yang alam, tulad siya ng pito niyang kasama, isang multo.

Maayos na sana ang bu-hay-multo ni Snow hanggang sa mabunyag ang sikreto tungkol sa kanyang naka-raan. Ito ay nang pumasok sa buhay niya ang spirit questor na si Prince (Daniel Matsunaga). Mahuhulog agad ang loob ni Snow sa bi-nata at ililigtas pa niya ito sa kapahamakan.


Share



GMA Artist Center's BlackBook Grand Launch

GMA Artist Center had a grand launch at Resorts World's Republiq for The Black Book, a catalogue containing the latest photos of their stars plus write-ups on them and the shows that they are doing. The book will help advertisers and ad agency people to make decisions in choosing the right endorsers for their products.









Lovi Poe, Jackie Rice, Sheena Halili and Iwa Moto are the ones who stand out among those who did daring sexy poses. Among those who attended the launch, the head turners were Iza Calzado, Rhian Ramos, Aljur Abrenica and Mark Herras.

Kudos to GMA Artist Center boss Ida Henares for the artistically and tastefully executed Black Book that will surely help sell and market their talents even more.

Share


Iwa Moto, pinabulaanang nagtangka siyang magpakamatay!

Mariing pinabulaanan ni Iwa Moto ang balitang nagtangka siyang magpakama-tay dahil sa problema sa puso.


Say ni Iwa, mahal niya ang kanyang buhay kaya bakit naman siya magpapakamatay?

Ang totoo raw na nangyari, uminom siya ng ga-mot nang walang laman ang tiyan kaya sumakit daw ang kanyang sikmura at nagsuka kaya agad siyang isinugod sa hospital.

Pinabulaanan din ni Iwa na naglaslas siya ng pulso. Kahit ipakita raw niya ang kanyang pulso, wala itong hiwa. Aminado naman daw siya na na-stress siya at na-depress sa nangyari, pero hindi naman daw aabot sa puntong magpapakamatay siya.

Share


Footbulilits, malapit nang magsimula!


Malapit nang magsimula sa bagong serye ng GMA 7 na ipapalit sa Magic Palayok, ang Footbulilits na pagsasamahan ni Jennylyn Mercado at ni Raymart Santiago. Bagong tambalan ito na siguradong kakagatin ng lahat.

Balita namin ay hahaluan ang seryeng ito ng magical realism. Tingnan na lang natin kapag nagsimula ito.

Ito ang sinasabing papalit sa slot naman ng Magic Palayok.

Share


Claudine Barretto, Magbibida sa Telefantasyang Iglot (Fantastical Egg). Malapit na sa Dramarama.


Kundi babaguhin ang schedule, bukas na ang storycon ng soap ni Claudine Barretto sa GMA 7 at kundi rin mababago, Iglot ang title ng soap at malalaman n’yo kung bakit ’yun ang title.

Heto pa, kundi rin mababago, sina Jolina Magdangal, Luis Alandy, at Marvin Agustin ang makakasama ni Claudine sa Iglot. Ibinabalik dito ang tambalan nina Jolina at Marvin at may importanteng role rin si Luis.

Si Gil Tejada ang direktor ng family drama na ngayong June ang airing. After the presscon, mala­laman kung sino pa ang makakasama ng apat at makikilala rin ang bata na may malaki at importanteng role sa Iglot.

Nauna nang nag-storycon ang bagong soap ni Raymart Santiago na Futbolilits kasama si Jennlyn Mercado at mga batang artista.

Share


The X Factor (Philippine Edition), malabo nang matuloy


Mukhang hindi namatutuloy ang pagkuha ng rights ng GMA7 sa The X-Factor ni Simon Cowell at ng company niyang Syco TV. Malaki raw kasi ang rights nito at mukhang hindi kakayanin ng network ang mga requirements for the show.

Pero balita namang may binabalak din ang Kapuso Network na isang talent search na 4th quarter this year naman magsisimula.

Abangan na lang natin ang balita riyan.


Share




Danceserye ng GMA7, kasado na!


Kanina nga ay nagkaroon na ng story conference ang GMA7 tungkol sa kauna-unahan nilang danceserye. Ilan sa mga kumpirmadong cast ng danceserye na ito ay sina Mark Herras, Kris Bernal, Sarah Lahbati at ang buong Sayaw Pilipinas Dance Crew ng Party Pilipinas (Diva Montelaba, Wynwin Marquez, Yassi Pressman, Enzo Pineda, Sef Cadayona at Rocco Nacino).


Makakasama rin nila ang mapipiling winners ng Jump In na inilaunch sa Party Pilipinas.

Nakatakdang magsimula ang taping sa susunod na Linggo.


Share


Temptation of Wife (Replay), itatapat sa Showtime!


Muli nating mapapanood sa GMA7 ang Koreanobelang minahal ng buong Luzon, Visayas at Mindanao! Ngayon naman ay ipapalabas siya sa umaga.

Irereplay ng GMA Network ang nasabing koreanovela at papalitan daw nito ang Family Feud ni Edu Manzano.

Share



Amaya, waging-wagi!


Wagings-wagi ang pilot ratings ng Amaya kagabi base sa inilabas na People at Houshold Ratings ng AGB Neilsen! Waging-wagi ang Kapuso Networklalo na ang mga pangunahing cast na sina Marian Rivera, Sid Lucero at ang baguhang si Mikael Daez.

Hindi man nagtrend ito sa Twitter kagabi, masaya pa rin ang lahat ng bumubuo nito dahil sa lumabas na ratings. Narito ang ratings ng Amaya kagabi kung saan ang malaking nakatapat niya ay ang Minsan Lang Kita Iibigin ng ABS-CBN.

AGB Nielsen
May 30, 2011

Household Ratings
Amaya 26.2%
Minsan Lang Kita Iibigin 23.1%

People Ratings
Amaya 14.3%
Minsan Lang Kita Iibigin 11.6%

Hindi pa lumalabas ang mga pangunahing karakter ng serye na si Amaya na siguradong lalo pang tataas sa pagtakbo pa ng kwento nito. Congratulations sa Amaya!

Share




Pancho Magno, ipinakilala sa Amaya!

Pinakikilala sa Amaya si Pancho Magno, ang 24-year old son ng GMA 7 executive Redgie Magno. Sa press launch ng primetime show ni Marian, ikinuwento ni Pancho na tutol sa pagpasok niya sa showbiz ang kanyang ina pero wala itong nagawa.


Certified nurse si Pancho dahil pumasa siya sa board exam pero nahihirapan siya na humanap ng ospital na mapaglilingkuran.

Hindi natuloy ang plano ni Pancho na mag-migrate na lang sa Amerika dahil biglang dumating ang offer ng GMA 7.

Para hindi maakusahan ng “nepotism” ang kanyang ina, pumirma si Pancho ng kontrata sa GMA Artist Center. May kasunduan din ang mag-ina na hindi lalabas si Pancho sa mga TV show na hawak ni Redgie.

Nang makausap namin si Pancho, hindi pa siya nakakapag-taping para sa show ni Marian kaya ang mga acting workshop at constant visit sa gym ang kanyang pinagkaabalahan.

Nakita namin si Redgie sa silver wedding celebration nina Bong at Lani. Inulit ni Redgie ang kuwento ni Pancho na ayaw niya na payagan na mag-artista ang kanyang anak.

Idinagdag ni Redgie na nasa legal age na si Pancho kaya hindi siya makikialam sa mga desisyon ng anak tungkol sa showbiz career nito.

Share


Schai Sigrist, pinabulaanang wala na sila sa Pop Girls


Sa isang text interview kahapon namin kay Schai Sigrist ng grupong Pop Girls, pinabulaanan niyang tinanggal na siya bilang miyembro ng grupong Pop Girls. Sa Party Pilipinas lang daw siya wala dahil sa conflict ng show nilang Bagets sa TV5.

Decision daw ng GMA7 at Viva Artist Agency ang dahilan kung bakit siya hindi nakakapagperform kasama ng Pop Girls sa Party Pilipinas.

Natanong din kung anong masasabi niya sa mga bagong miyembro ng Pop Girls na sina Aubrey at Carlyn at ito lang ang nasabi niya, "Magaling sila lalo na sa pagkanta".


Share


Monday, May 30, 2011

Family Feud magpapaalam na?


Hindi pa sigurado kung magpapaalam na sa darating na Biyernes ang Family Feud, ang morning game show ni Edu Manzano sa GMA 7.

Kamakailan lamang ay ibinalitang tinaasan na hanggang 1 million ang premyo sa game show na ito.

Kung magkakataon ay ito ang pangalawang show ni Edu na matitigbak na rin dahil sa mababa ang ratings.

Share



Mga dating kapamilya na sina Jolina, Marvin at Claudine, magrereunion sa isang Telebabad series


Sina Jolina Magdangal at Marvin Agustin ang makakasama ni Claudine Barretto sa primetime show nito sa GMA.

Nag-umpisa sa ABS-CBN ang mga TV career nina Claudine, Marvin Agustin, at Jolina Magdangal.

Share


Career ni Marian Rivera nakasalalay sa Amaya


Talagang reyna nga ang turing nila sa kanya, reyna ng primetime. Ganito kalaking pagpapahalaga ang ibinibigay sa kanya ng network.

And I think she earned it naman.

Kaya lang nakaka-pressure ito, kailangan niyang mapataas ang rating at mapanatili ang rating nito sa itaas.

Share


Sunday, May 29, 2011

Nadine Samonte, hindi pakakawalan ng GMA Artist Center!


Mukhang hindi na matutuloy ang paglipat ni Nadine dahil kahit na very tempting ang offers from ABS-CBN at TV5, mimitingin muna ng GMA Artist Center si Nadine tungkol sa kanilang mga plans.

Magaling na artista si Nadine lalo na sa ktatpos lang na My Lover, My Wife ng Dramarama at siguradong nakita naman ng GMA AC ang potential talag ng aktres at sana naman ay maging maayos ang usapan. Hindi dapat bata-basta pinapakawalan ang magagaling na artitang gaya ni Nadine na pwedeng pangbida at pangkontrabida.

Share

Epic Monday sa mga Kapuso ngayon!


3 Kapuso shows ang magpepremiere ngayong araw na ito kaya "Epic Monday" ang tawag nila.

Ang Starstruck alumni na si Jackie Rice ay nagbabalik at bida sa bagong Dramarama na Sisid. Kasama niya sina Dominic Roco at JC Tiuseco. Ang Sisid ay mapapanood pagkatapos ng Nita Negrita sa GMA7.

Ang Playful Kiss naman na naging Youtube senstaion at pinag-usapan ng buong mundo ay ipalalabas na sa GMA7 mamaya bago naman magMagic Palayok.

Ang pinakaaabangang epikserye sa balt ng Philippine televison ay matutunghayan na ninyo sa GMA7 kung san bida si Marian Rivera, Sid Lucero at ang baguhang si Mikael Daez.

Share

Regine Velasquez, umaming maselan ang pagbubuntis!


Nag-standing ovation sina Bong at Lani kay Regine Velasquez nang tawagin ito ni Ogie Alcasid para umakyat sa stage at kumanta.

Ang reception ng renewal of vows nina Bong at Lani ang unang public appearance ni Regine matapos kumpirmahin ang kanyang maselan na pagbubuntis.

Hindi nakaapekto sa boses ni Regine ang kanyang kalagayan dahil bumirit pa siya nang kumanta sila ng asawa niya.

Share

Young love on Playful Kiss


Beginning today, GMA 7 airs Playful Kiss GMA, the Koreanovela that gained 520,000 hits on YouTube two days after its first episode was published online.

It replaces Temptation of Wife.

Share

Amaya, Mamayang Gabi na!


Huhusgahan na ngayong gabi ang Amaya, ang big-budgeted primetime show ni Marian Rivera sa GMA 7.

Pinaghandaan ng halos isang taon ang seryeng ito at malaking budget kaya malaki ang nakapatong ngayon sa balikat ni Marian Rivera lalo na ngayong tagilid ang Telebabad sa ratings.

Bagong ang karakter ni Marian dito at iba ang atake ng istorya at dito matetesting kung kakagatin ng mga tao ang serye na bago sa kanilang panlasa.

Share

Aljur Abrenica, hinababol ng BIR!


Isa pala ngayon sa mga artistang hinahabol ng BIR ay si Aljur Abrenica! Base sa inilabas sa isang pahayagan malaking amount ang kailangang bayaran ni Aljur.

More than P200,000 ang payable na back taxes ni Aljur Abrenica. Nakatanggap na si Aljur ng sulat mula sa BIR.

Wala pang inilalabas na statement ang kampo ni Aljur.

Share

EPIC Monday bukas sa GMA7!


Epic Monday bukas sa buong GMA7 sa pagsisimula ng kauna-unahang epikserye sa talaan ng Philippine Television - Ito ay ang Amaya kung saan bida si Marian Rivera.

Ito ang schedule bukas ng GMA Telebabad mula sa Magic Palayok. Tutok lang mga Kapuso!


GMA Telebabad Weeknights
-Magic Palayok
-24 Oras
-Captain Barbell
-Amaya
-Munting Heredera
-Secret Garden

Share

Carlyn Ocampo at Aubrey Caraan, bagong miyembro ng Pop Girls!


Nagperform na nga ng live kanina sa Party Pilipinas sina Carlyn Ocampo at Aubrey Caran kasama ng grupong Pop Girls kanina na nangangahulugang sila na nga ang dalawang ipinalit kina Nadine at Schai na ngayon ay nasa TV5 na for their show na Bagets.

Hindi sila man lang naintroduce sa Party Pilipinas kanina pero mukhang nag-enjoy naman sila sa kanilang performance.

This is their debut performance at Party Pilipinas
with the original members of Pop Girls

Sa mga fans ng Pop Girls, anong masasabi ninyo sa bagong dagdag na ito?

Share

RK Biol at Paul Garcia, bagong members ng XLR8!


Si RK Biol na nga at Paul Garcia na dating miyembro ng Freshmyx ay mga bagong miyembro ng XLR8 na mainstay naman sa Party Pilipinas sa GMA7.

Kanina ay nagkaroon na sila ng live performance sa Party Pilipinas kasama ang mga original XLR8 minus Hideaki Torio at AJ Muhlach. Mukhang nag-aadjust pa sila sa kanilang performance kanina pero mukhang magaling din naman sila.

See their video of their first live performance 
with the original XLR8 on Party Pilipinas

Sa mga XLR8 fans, okey na ba sa inyo na sila ang pumalit sa kina Aki at AJ? Anong masasabi ninyo rito?

Share

Saturday, May 28, 2011

'Party Pilipinas Buhos' brings unstoppable fun and entertainment this Sunday!


The floodgates will open and viewers will be caught in the rapture as Marian Rivera kicks off the show together with the fiercest females in a scintillating dance number. Together with her castmates Rochelle Pangilinan and Glaiza de Castro, Marian will give everyone a taste of what GMA-7’ s latest and biggest production Amaya is all about!

Rachelle Ann Go, meanwhile, will let her emotions run loose as she delivers the sentimental hit song “Someone Like You” from the number one album in the US and the UK Adele’ s 21.

Three of the brightest female stars will also be featured on the Love Duets segment: Heart Evangelista, Lovi Poe, and Jennylyn Mercado paired up with Jay Perillo, Ogie Alcasid and Mark Bautista.

Sarah Lahbati, Ynna Asistio, Julie Anne San Jose and Frencheska Farr render their own version of a Nicki Minaj hit; while Iza Calzado and the Party Pilipinas dance crew turn up the heat in Sayaw Pilipinas.

Watch out too as the Jump In female finalists prove that they have what it takes to be the next big dance
icons.

Then it will be the males’ turn to showcase their strengths on the dance stage. Kris Lawrence
will dip into an R&B fusion with the Princess of R&B herself, Kyla.

Mark Bautista gets a little more intense with the very sexy Solenn Heussaff as they storm the PP stage and set it on fire.

All-male P-Pop group XLR8 will give their screaming fans a treat with a solo spot in Sayaw Kabataan and Inter-Pop group Down To Mars will take the infamous song “Friday” by Rebecca Black and give it a “Glee” spin.

Local favorite Spongecola is also set to do their latest single “Tambay”.

Finally, the Julielmo tandem ties
it all together with a sweet and hip number meant to reignite the feelings that started it all. Soak up the spirit of fun in Party Pilipinas Buhos this Sunday after Kapuso Movie Festival on GMA-7.

Share

Talentadong Pinoy, may Hongkong Auditions na rin!


Mas pinalawak pa ang Talentadong Pinoy ng TV5 dahil ngayon, may Hongkong auditions na rin ito. Ito naman ay para sa mga kababayan natin sa Hongkong na may angking talento na hindi makauwi ng Pilipinas para makapag audition.

Share

RH Bill Debate, muling ipalalabas ngayong Sabado!

Sa mga hindi nakapanood ng GMA News TV‘s RH Bill Debate, muli itong ipa-lalabas ngayong Sabado.


Naging moderator ng debate si Mel Tiangco, kasama sina Pia Arcangel at RJ Trinidad.

Kasabik-sabik panoo-rin ang baliktaktakan ng magkabilang panig -- pro at anti -- sa RH Bill. Kabilang sa pro sina Bishop Efraim Tendero, Pia Arroyo-Maga-lona at Rep. Janet Garin habang sa anti naman, sina Bishop Ted Bacani, Prof. Aliza Racelis at Rep. Mitos Magsaysay.


Share

Inyong mga katanungan, sasagutin sa Kap's Amazing Stories! Bukas na!

Sa “Kap’s Amazing Stories” on Sunday, mapanghamon ang mga sumusunod na katanungan na sasagutin isa-isa ng host na si Sen. Ramon ‘Bong’ Revilla, Jr.


Kaya mo bang uminom ng tubig na limang tonelada?

Makikipagsabayan ka ba sa pagtalon kung ang premyo mo naman ay malaking pabaon? Di kaya sumabit ang iyong ulo kung ang makakaumpugan mo ay karibal mo? Gaano kalayo ang kaya mong lakarin para lang mahanap mo ang paborito mong pagkain? Magagawa mo bang magparami sa lugar na mala-impiyerno ang init?

Very interesting, exciting show is what describes “Kap’s Amazing Stories.”

Share

Spooky Nights presents Snow White Lady and The 7 Ghosts


May bago na namang kwento ang Spooky Nights Presents na siguradong matutuwa kayo. Ito ay ang "Snow White Lady and the 7 Ghosts kung saan bida si Rhian Ramos at katambal si Daniel Matsunaga.

Share

Nadine Samonte, tuluyan na ang paglipat?


Matagal na si Nadine Samonte sa GMA7 at marami na siyang napatunayan lalo na sa pagdating sa acting. Isa siya sa mga iilan talagang kasabayan niya na nagmamarka ang galing sa pag-arte.

Ito ang pangalawang beses na nabalitang lilipat si Nadine pero this time, mukhang totoo na since may mga offers na talagang mahirap tanggihan. Higher talent fees raw ang offer sa kay Nadine ng isang network at 'yung isa naman ay ganoon din pero sure na may show.

Sigurado namang may paglalagyan itong si Nadine saan mang network ito mapaunta dahil magaling naman ito sa pag-arte. Wala pang balita kung anong contract ang kinokonsider nito pero isa ang sigurado, wala na siya sa Kapuso Network.


Share

Friday, May 27, 2011

GMA presents 'THE MAKING OF AN EPIC: A closer look behind the saga of AMAYA'


From the spectacular production values down to the simplest dialogues - everything about the much anticipated epicserye is well-done. GMA-7 will take the viewers into a one-hour travel into Amaya's world as it features 'The Making of an Epic' airing on May 28.

AMAYA, Marian Rivera's upcoming epicserye, is being praised as the one that would revolutionize the landscape of Philippine TV. It is the most expensive and grandest show that the Kapuso Network is producing. Hosted by Cesar Montano, 'The Making of an Epic' serves as a primer or introduction of the epicserye.

The program presents the behind the scenes of Amaya from the brainstorming of the management of GMA-7 including the interviews from Jun Lana and Suzette Doctolero, the creative minds behind the story with the guidance of University of the Philippines historians.

Forming the ensemble of the epicserye, each of the powerhouse cast of Amaya that comes from the brightest Kapuso stars will be introduced particularly the two handsome, robust and heroic men who will be rivals for the love of Amaya played by award-winning actor Sid Lucero and the rising Kapuso star, Mikael Daez.

The viewers will get a glimpse of some of the chosen action-filled scenes of Amaya which is one of prides of the epicserye. Extreme and realistic fight scenes are patterned according to the primordial times and each of the actors are skillfully trained in doing the part.

What's more exciting about Amaya is that it is not limited only to action and drama. Aside from the said genre, the epicserye is also made up of scenes with songs and music arranged and composed by Von de Guzman.

'The Making of an Epic' also highlights the making of the ornate, complex and realistic production design by renowned designer Rodell Cruz and intricate yet beautiful and distinguished period costumes by Gino Gonzales.

The breathtaking cinematography, production designs, costumes, dialogues and a powerful cast - all these excellence, are under the direction of the multi-awarded director Mac Alejandre.

Experience and witness the steps to perfection of the Philippine primetime's boldest epicserye! Watch 'The Making of an Epic' this Saturday, May 28, 7:30pm - 8:30pm only on GMA.


This is the video

Share

300 KILOMETRO (SNBO May 29)

"300 KILOMETRO—that's all the distance that separates Metro Manila from Sitio Latag in Occidental Mindoro. But with the stark contrast in size, population, and especially the lifestyle, the city and the sitio are practically worlds apart.


"GMA News and Public Affairs' 300 KILOMETRO is a 60-minute special that aims to bring the two places and its people closer by opening their doors to the "ultimate outsiders"—five people who will explore, enjoy, and educate themselves in a span of three nights and two days.

"First, there are the three Mangyan tribesmen namely: Bidoy, Gabin and Roman. Born, raised and still living in the tiny community in one of the mountains of Mindoro Occidental, the customs and traditions of their ancestors are still deeply ingrained in their hearts and minds. In fact, they look at Manila not as the "promised land" but as "no man's land" whose negative influence might ruin their culture and their way of life.

"Then there's Drew Arellano, the "native" from the urban jungle whose journey will take him to Sitio Latag to try and convince the locals about taking the big leap to Manila, the city they consider as "strange and sinful." And at the same time, Drew is taking a big step away from his comfort zone, to immerse and learn the simple ways of the rural folk.

"Lastly, there's Isabelle Daza, the very modern and highly-visible member of Manila 's elite who will serve as host/travel guide to the visitors from the highlands.

"They are the strangers who will come together to become guest and host, mentor and student, traveler and travel guide.

"They are the members of the so-called modern and primitive societies who will show viewers what's to come and what may be lost.

"They are the "natives" who will take viewers 300 kilometers and beyond to see the Philippines through a new set of eyes, with open minds and the purest of hearts.

This is the teaser

"300 KILOMETRO: Isang Paglalakbay is an SNBO presentation airing on May 29, 10:15 pm, on GMA-7."

Share

Si Heart at Dingdong naman ang magkakasama sa isang serye!


Balik drama si Heart Evangelista sa GMA7 pagkatapos ng telefantasyang Dwarfina kung saan nakatambal niya si Dennis Trillo.

This time naman ay si Dingdong Dantes kaya naman lalong naexcite ito. Imagine mo naman na ang 3 malalaking leading men ng GMA7 ay makapareha mo na at nauna na riyan si Richard Gutierrez at ang katatapos lang na si Dennis Trillo.

Medyo ilang buwan pa ang paghahanda sa susunod na project na ito ni Heart dahil sa 3rd quarter pa naman daw ito sisimulang ipalabas.


Share

Sisid, ang magpapainit sa inyo tuwing hapon mula May 30!


Paiinitin na ang Inyong Nagbabagang Hapon. Sisisid na Ngayong May 30 sa GMA Network, after Blusang Itim.

Starring Jackie Rice, JC Tiuseco and Dominic Roco

Share

Jessica Soho renews exclusive contract with GMA-7


"George Foster Peabody awardee—and widely regarded as the country's most awarded broadcast journalist—Jessica Soho recently signed an exclusive contract with GMA Network.

"Soho, who is also the Network's Vice President for News Programs, hosts the top-rating and award-winning news magazine program Kapuso Mo, Jessica Soho.

"She also banners GMA News TV's primetime newscast State of the Nation and the public affairs program Brigada.

"Present during the signing were GMA Network SVP for Corporate Services Group Felipe S. Yalong; President and Chief Operating Officer Gilberto R. Duavit Jr.; Chairman and CEO Atty. Felipe L. Gozon; and SVP for News and Public Affairs Marissa L. Flores."


Share

Thursday, May 26, 2011

Sid Lucero at Mikael Daez, mag-aagawan kay Marian sa Amaya


Sina Sid Lucero at Mikael Daez ang leading men ni Marian at wala kang itatapon sa aura ng dalawa na mistulang mga lumang-tao sa panahon ng mga datu at tribu.



Nandiyan din sina Daniel Fernando, Raymond Ba-gatsing, Gardo Versoza, Roy Alvarez, Mon Confiado, Ryan Eigenmann at ang mga de-kalibreng sina Irma Adlawan, Ana Capri, Glaiza de Castro, Rochell Pangilinan, Ina Feleo, Lani Mercado at Gina Alajar. Sa presscon pa nga lang, tugang, bongga nang naga pasiklaban ang ilan sa kanila dahil ipinakita nilang in character sila sa roles nila, huh!

Good luck sa GMA7 at harinawang suportahan nga ito ng mga manonood na si-guradong hindi lang mae-entertain, kundi matututo pa sa isang bahagi ng ating lumang kasaysayan bilang isang bansang minsan, pinamunuan ng mga datu at reyna.

Share

Marian fever on again

Tiyak na magiging uso na naman si Marian Rivera kapag ipinalabas na ang Amaya.


Don’t get us wrong, pero ang ibig naming sabihin, talagang manunumbalik ang kanyang pagka-reyna sa GMA7 dahil kumpletos-rekados ang naturang epicserye at naniniwala kaming pinagkagastahan nga ito ng Kapuso Network.

Sa costumes pa lang, ma-kikita na ang milyones na halaga, plus ’yung mga sasakyang pandagat noong unang panahon na talagang kinarir ang paggawa.

Ito rin ang unang original soap na ginagawa ni Marian dahil ’yung mga naunang soap na nagpasikat sa kanya, puro remake o mga kilala na. Kung dito nga naman siya mas makikilala, magandang bentahe ito sa kanyang pagka-aktres.

Sa supporting cast pa lang, winner na ang soap na magsisimula ngayong Mayo 30 sa direksyon ni Mac Alejandre.

Share

Family Feud mamimigay ng P1M


Uy may P1 million daw na mananalo bukas sa Family Feud. Yup, isang milyon na ang jackpot prize bukas kaya panoorin natin kung makukuha ito ng masuwerteng contestant.

Si Edu Manzano ang host ng Family Feud.

Share

DISCLAIMER

All the videos and contents are to their respectful owners. No copyright infringement intended. Some videos are linked for youtube.com, justin.tv, ustream, etc.

LionhearTV simply provides the information for readers who may be interested.

LionhearTV claims no credit for any images featured on this site unless otherwise noted. If you own the rights to any of the articles, images or videos and do not wish them to appear on the site please contact us and they will be promptly removed.

Email me:

All rights reserved : Lionheart 2009
for feedback - email me at AOLionheart@yahoo.com
Related Posts Plugin for WordPress, Blogger...
Twitter Delicious Facebook Digg Stumbleupon Favorites More

 
Design by Free WordPress Themes | Bloggerized by Lasantha - Premium Blogger Themes | Bluehost Coupons