Search This Blog

Loading...

Thursday, June 30, 2011

Ang simula ng kahuhumalingan ng sambayanang Futbolilits!


Futbolilits is a clear indication that it was inspired by the blooming of the Azkals. Eversince naman ay ang basketball ang nakagisnan nating laro bukod sa sipa. Mahirap kasing mag-maintain ng isang football field na kailangan malawak with matching bermuda grass pa.

But with the rebirth of football dahil sa Azkals made popular by the handsome brothers, James & Phil Younghusband mukhang may bagong henerasyon na football naman ang kababaliwan!



Ngayon ay isang exceptional football player si Raymart na nakaranas ng malungkot na hampas ng kapalaran sa football career niya at pagkawala ng asawa’t anak niya kaya nagpakaermitanyo na naghihintay na lang ng sariling kamatayan niya.

Hanggang sa makatagpo ni Raymart ang grupo ng mga batang mahilig sa football pero puro panghahamak at pagtatawa ang natatanggap ng mga batang kulang sa training.

Binuhay muli ni Raymart ang football career niya at naging coach ng underdog team na nakilala bilang Futbolilits.





Ipinagmamalaking ipakilala ng GM7 ang tatlong talentadong bata na magiging idolo ng mga kabataan, sina Yogo Singh, Renz Valerio at Isabel “Lenlen” Frial, na makakasama nina Jennylyn Mercado, Paolo Contis, Angelika dela Cruz, Nova Villa, Benjie Paras, Daniel Matsunaga, Mosang, Julian Trono.





Directed by Mike Tuviera and originally written by Aloy Adlawan, Futbolilits is another first in the television industry for its refreshing concept and innovative storyline created by the GMA7 entertainment TV group.

This TV fare also serves as a treat to all football fanatics in the country especially now that there’s a growing interest and appreciation for the sport.

Share

Daniel Matsunaga, pasok sa Futbolilits!


Nagsimula si Daniel Matsunaga bilang isang Brapanese model pero mas lalo siyang nakilala nang tahakin niya ang pag-arte. Nakilala siya sa pag-arte sa kauna-unahan nilang serye ni Heart Evangelista na "Langit sa Piling Mo" na ngayo'y girlfriend niya ngayon.

Ilan pang mga serye ang pinasok niya tulad ng "The Last Prince" at "Grazilda". Pinakahuli ay ang "Spooky Nights Presents" kung saan kasama niya si Rhian Ramos.

Ngayon naman ay sa sports-serye papasok si Daniel. Kilalanin si Daniel Mastunaga bilang si Raphael Yamamoto sa pinakabangong series na handog ng GMA7.


Itinatampok sa seryeng ito sina Raymart Santiago, Jennylyn Mercado, Paolo Contis, Angelika dela Cruz, Benjie Paras, Mosang, and Miss Nova Villa with Yogo Singh, Renz Valerio, Isabel Frial, Julian Trono, Iking Magundayao, JM Reyes, Gabriel Roxas at marami pang iba!

Ito ay idinirek naman ni Mike Tuviera at sinulat nina Aloy Adlawan, Kit Villanueva-Langit, AA Nadela at Maribel Ilag. Abangan ang Futbolilits sa GMA7 ngayong Hulyo!

Share

Time of my Life, malapit na sa GMA7!



Minsan nadarama...
Minsan nagkakamali!
Minsan nasa tiyempo...
Minsan wala sa timing!

Ang bawat pag-ikot, at ang bawat galaw, ay isang patunay na ang buhay ay parang isang sayaw!

This is the teaser


Share

Claudine Barretto Celebrates Birthday Month in GMA-7's Spooky Nights

"Weekend TV viewers will see a different Claudine Barretto beginning July 2 in GMA-7's Spooky Nights Presents: Nuno sa Feng Shui.


"In celebration of her birthday month, the Kapuso actress stars in the horror-comedy series as Mila, a woman cursed by a "nuno" since childhood. She may have a beautiful face but her hips and legs are just unusually and distractingly huge.

"Mila lives a pretty plain life - she works in a store, takes care of her bedridden father and believes she will be an old maid. Thus, she often daydreams and fascinates herself with Chinese astrology and charms.

"Mila's life only becomes really colorful when she meets Stephen Lee (TJ Trinidad), the only son of her Chinese employers. While Mila tries her best to attract Stephen, the latter does not even notice her or her clumsiness due to her enormous lower body.

"One night, Mila gives food to an old beggar and shares with him her sentiments about her life and her disfigured body. The man then presents to her a magical charm bracelet with a love potion that she has to rub three times against Stephen's right hand to make him fall for her.

"After many funny and desperate attempts, Mila succeeds in using the charm bracelet and Stephen gets smitten by her. However, this also starts many complications in her life.

"Stephen's superstitious mother, Mrs. Lee (Tiya Pusit), does not approve of Mila, a non-Chinese girl who is their store helper and whose zodiac sign is incompatible with Stephen's. It is also revealed that the old beggar Mila helped is actually the "nuno" who cursed her!

"Is the "nuno" really helping Mila with her love problem? Or is he only scheming to take more from her? Will love be real love if only an enchanted bracelet made it happen?

"Expect more twist and turns in the story as Mila strives to keep Stephen's love and overcome her curse. Director Uro Q. Dela Cruz and Head Writer Senedy Que collaborate to give new flavor to the fairy tale, Beauty and the Beast, by adding a mix of Filipino folkore and Chinese beliefs.

"Completing the cast of Spooky Nights Presents: Nuno sa Feng Shui are: Marco Alcaraz as Nunok, the "nuno" who cursed Mila; Daniel Fernando as Aldo, Mila's heartless and bedridden father; and Munting Heredera child star Mona Louise Rey as the young Mila.

"Spooky Nights Presents: Nuno sa Feng Shui begins this Saturday (July 2) after Carlo J. Caparas' Andres de Saya on GMA-7."

Share

Wednesday, June 29, 2011

Munting Heredera, hindi pa magtatapos sa July 18!


Pinabulaanan ng staff ng Munting Heredera na malapit na silang magtapos (see the link) at humihiling ng extensyon mula sa GMA Network!

Naririto ang official statement from Munting Heredera:
Just to clear things up: hindi magtatapos ang Munting Heredera sa July 18. Walang matatapos na show sa GMA Telebabad this July, bukod sa Magic Palayok which ends on July 1.

Isa ang Munting Heredera ngayon sa mga pinakatututukan gabi-gabi sa mga primetime shows sa Pilipinas. Hindi kasi matawaran ang napakagandang kwento nito at may aral at pampamilya pa. Patuloy pa rin na mapapanood ang Munting Heredera sa GMA Telebabad mula Lunes hanggang Biyernes pagkatapos ng Amaya.

Share

Andi Eigenmann, kumpirmadong buntis!


Mismong ang ina na ni Andi Eigenmann ang umamin sa interview sa TV Patrol (see the link) na buntis ang anak niyang si Andi na ngayon ay napapanood sa teleseryeng "Minsan Lang Kita Iibigin" ng ABS-CBN.

Unang nakilala sa telebisyon si Andi sa teleseryeng "Prinsesa ng Banyera" sa ABS-CBN kung saan si Kristine Hermosa ang bida. Sumunod doon ay ang pagpasok niya sa Bahay ni Kuya sa "Pinoy Big Brother" at mas lalo pa siyang nakilala sa "Agua Bendita" at kasalukuyang may teleserye ngayong "Minsan Lang Kita Iibigin".

Sa ngayon ay ineexpect na mamamahinga muna si Andi mula sa teleserye at cancelled na rin ang mga nakaline up na movies para sa kanya.

Hindi pa napapangalanan kung sino ang ama ng ipinagdadalang-tao ni Andi. Una nang naipabalitang si Jake Ejercito at ngayon nama'y si Albie Casiño ang naiisip ng ilan. Pero nagbigay naman ng clue ang nanay ni Andi na ito raw ang kanyang first boyfriend.

Naririto naman ang personal message ni Andi para sa mga taong patuloy na sumusuporta sa kanya:

"I'm happy so don't worry. Pls don't judge and assume stuff. It was all cleared by my mom earlier.I just hope people would stop assuming and say stuff. Again, I'm happy.. Let's all be! Goodnyt"


Share

Tuesday, June 28, 2011

Who's on Fire? REVEALED!


Many have been wondering especially through the web on the question “Who’s on FIRE?” Now it can finally be revealed, it is none other than the multi-faceted Solenn Heussaff and her debut single “Fire.”

This week, Solenn was finally unveiled as the singer behind the remake of the Bruce Springsteen original and also recorded by Babyface and Des’ree. She recently visited top radio stations to personally promote her single.

Tagged as one the industry’s “multi-slashie”, meaning achieving and wearing different hats at the same time, she is a model, make-up artist, TV host, reality show contestant, magazine cover girl, fashion designer, painter, yoga enthusiast and actress. Now a new addition under her belt is singer. Solenn Heussaff really is today’s “IT” girl.

Her self-titled album will be out under MCA Music this July. Expect an album of amazing pop hits and a special collaboration.

“I’m so excited about this album. I assure you there will be lots of surprises,” Solenn said.

You can now download “FIRE” on your mobile phones as your ringback tone by texting SOLENNFIRE to 2728 for Smart subscribers, KK518 and send to 2332 for Globe and 5492693 and send to 2300 for Sun subscribers.

Share

Solenn Heussaff, may album na!


Si Solenn Heussaff ang isa sa mga socialite na pumasok sa showbiz at pumatok naman hindi lang dahil sa angking kangadahan kundi may talent naman talaga!

Nakatakdang lumabas ang album ni Solenn Heussaff ngayon July 4, 2011. Self-titled album niya ito na may cover version siya ng "Fire" na siya ring first single niya sa album.

Si Solenn Heussaff ang MYX Celebrity VJ for the month of JULY!!
Catch her on the following dates:
JULY 4-9 - Pop MYX
JULY 10-16 - Mellow MYX
JULY 17-23 - Pinoy MYX
JULY 24-30 - My MYX

Thankful naman si Solenn sa MCA Music sa pagbibigay sa kanya ng pangarap niyang album.

Share

Geoff Eigenmann at Heart Evangelista, magbabalik-tambalan?


Dahil nga sa tumanggi nang makasama si Heart Evangelista ni Dingdong Dantes para makapareha niya sa isang serye ng GMA7(see the link), si Geoff Eigenmann na raw ang malamang na ipareha kay Heart.

So kung totoo man ang balita, magbabalik-tambalan sina Heart at Geoff na unang nagsama sa teleseryeng "Hiram" ng ABS-CBN. Reunion series ito ng dalawa kapag nagkataon na nakitaan naman ng chemistry sa una nilang pagtatambal.

Dwarfina pa ang huling TV series ni Heart at si Geoff naman ay ang magtatapos ngayong Biyernes na Magic Palayok kung saan kasama niya ang girlfriend niyang si Carla Abellana.

Share

Mikael Daez, hindi pa rin sinasagot ang mga itinatanong na issues sa kanya!


Matagal nang lumabas ang nude picture ni Mikael Daez sa internet (see the link) pero hanggang ngayon ay hindi pa rin niya magawang sagutin ang mga tanong ng press tungkol dito.

Sa nude picture (see the link) na lumabas sa isang blog (fashionpulis.com) ang picture na ito ni Mikael Daez na hubo't hubad na pinipicturean ang sarili sa harap ng salamin na animo'y may ginagawang milagro.

Sa ngayon ay si Megan Young ang sinasabing girlfriend ngayon ni Mikael na napapadalas amakitang magkasama sa malls.



Share

1st Album ni Julie Ann San Jose, pinaplantsa na!

Picture credits to Julie Ann San Jose

Good news ito for sure sa mga fans ni Julie Ann San Jose na isa sa mga finalists ng Pop Star Kids noong 2005 at ngayon ay lalong nakikilala bilang solo artist at bilang kapareha ni Elmo Magalona na nagsimula sa Party Pilipinas.

Nagkaroon na si Julie ng album noon kasama ang Sugarpop (kasama ang ilan pang finalists from Pop Star Kids). Ilang themeso0ngs na rin ang nakanta niya para sa mga shows ng GMA7 tulad ng Dyesebel, Pilyang Kerubin at The Last Prince.

Nakapagmeeting na raw si Julie Anne kahapon sa mga bosses ng GMA Records. Iaannounce na lang daw kung kelan ang recording at kelan ito irerelease.

Sa ngayon ay napapanood si Julie Anne sa Party Pilipinas at Andres de Saya sa GMA7.


Share

Claudine, nagteteyping na para sa Spooky Nights!


Tuloy na tuloy na ang Spooky Nights ni Cluadine Barreto! Ngayon ang first taping day ni Claudine Barretto para sa "Spooky Nights Presents Nuno Sa Feng Shui."

Sa Spooky Nights muna makikita si Claudine ng ilang Linggo bago siya sumabak sa seryeng Iglot kasama sina Jolina Magdangal, Marvin Agustin, at Luis Alandy.

Ngayong Sabado (July 2, 2011) na mapapanood ang simula ng "Nuno sa Feng Shui" sa GMA7 na idinerehe ni Direk Uro dela Cruz.

Share

That's Party Pilipinas (July 3,2011)


That's Entertainment Days, ipaaalala muli sa atin ng Party Pilipinas ngayong Linggo!


This is the teaser


Share

Monday, June 27, 2011

GMA Telebabad Viewing to the Highest Level

We are taking the primetime viewing to the highest level!


Captain Barbell
Amaya
Munting Heredera
Secret Garden
Temptation of Wife

Sa nag-iisang nangunguna sa primtime! 
GMA Telebabad!

This is the video

Share

Tanya Garcia, sigurado nang pasok sa Amaya!


Muling nagbabalik-showbiz si Tanya Garcia (see the link) at balik Kapuso ito. Marami naman ang natuwa dahil sa GMA7 pa rin ito nagbabalik.

Matagal-tagal ring nawala si Tanya dahil pinili munang malagay sa tahimik at buhay may asawa. Ngayon ay ready na naman siya sa pagsabak sa showbiz at masasabi nating big comeback ito para sa kanya! (see the link)

Isa kasi siya sa kumpirmado nang madadagdag sa extensyon ng epikseryeng Amaya na talagang hindi basta-bastang serye ng GMA7 dahil ito'y pinagkagastusan at ineendorso pa ng DepEd at NCCA.

Share

Aubrey Miles, may guest role sa Amaya!


Natuloy na rin ang taping ni Aubrey Miles sa Pagsanjan, Laguna kahit na may bagyo. Tamang-tama namang sa putikan siya kukunan na nakisama naman ang panahon at bumit ang lagay nang mga araw na 'yun.

Naisulat namin noong Biyernes na siya ang madadagdag na character sa Amaya (see the link). Oo nga! Madadagdag siya pero bilang guest role lang. Sinasabi ni Aubrey na “not good, not bad, but interesting role” ang magiging ganap niya rito.

3 araw lang siyang magteteyping sa seryeng ito. Abangan ang paglabas niya sa mga susunod na Linggo sa lalo pang gumagandang kwento ng Amaya!

Share

Munting Heredera, nirerequest na maextend!


Kung naextend ang Captain Barbell at nagkaroon ng Book 2, mas higit siguradong mas may karapatang maextend ang family drama na Munting Heredera na ilang beses nang nag-number 1 sa ratings sa Telebabad!

Ngayong July 18 ito nakatakdang matapos pero dahil nga may request ng mga viewers sa Kapuso Network, malamang na maextend ito. Bida rito nag mga batang sina Mona Louise Rey (Jennifer), Kyle Ocampo (Michelle), at Barbara Miguel (Calilla). Sila ang tatlong batang mag-aagawan para sa titulong: Munting Heredera.

Hinihintay pa ng production kung pagbibigyan ng GMA-7 management ang request na ma-extend ang family drama.

Share

Carlo J. Caparas' Bangis on TV5 - July 4, 2011!


Mula sa imahinasyon ni Carlo J Caparas, ito ang susunod na handog ng TV5!

Sa isang bayang balot ng hiwaga, may mga katatakutang dapat ipangamba. At ang tangi nating pag-asa ay nasa isang bata at sa kapatid niyang kakaiba!

Ipinakikilala ang pinakahiganteng bida ng primetime - Bangis! Samahan si Bangis at ang batang itinuturing niyang kapatid - si Eboy.

Hahasain ang inyong imahinasyon at magpapaamo sa inyong damdamin. Ito ay pinagbibidahan nina Tessie Tomas, Danny Javier, Bayani Agbayani, Yul Servo, Miriam Quiambao, Marissa Sanchez, Rodjun Cruz, Felix Roco, Wendy Valdez, CJ Caparas, June Vee, Jazz Ocampo, Danita Paner at si Oyo Sotto. Ipinakikilala sa seryeng ito ang batang si BJ Go.

Kilalanin ang bagong bestfriend ng bayan sa walang kaparis na higante-seryeng tiyak na kakagatin ng bayan. Panoorin ang Bangis simula July 4, 2011 sa TV5 pagkatapos ng Wiltime Bigtime!

This is the full trailer


Share

Sunday, June 26, 2011

Marcelito Pomoy, grand winner ng Pilipinas Got Talent 2!


Si Marcelito Pomoy na nga ang nanalong Grand Winner ng Season 2 ng Pilipinas Got Talent! Siya ang nanalo sa poll kung saan nakakuha siya ng karamihan ng boto. Kilala si Marcelito sa pagboboses babae at si Regine Velasquez nga ang isa sa mga idols niya. Una siyang sumali sa Talentadong Pinoy pero hindi siya pumasa sa panlasa ng mga judges doon.

Ito ang kanyang performance video kahapon kung saan kinanta niya ang "The Prayer".


Ang Happy Feet naman 2nd Placer at ang Free Stylers naman ang naging 3rd Placer.



Ilang oras ding nagtrend sa twitter ang #PGTGrandFinals at ang ilan pang mga mga kasali sa Pilipinas Got Talent Season 2!

Sa July 9, 2011 naman magsisimula ang Season 3 ng Pilipinas Got Talent.



Share

Captain Barbell, extended pa!



Inaasahang magtatapos na ng July ang Captain Barbell peronakatanggap pa ito ng notice na maeextend pa ang show na ito at magkakaroon ng Book 2. Si Richard Gutierrez na rin mismo ang nagsabi niyan sa Party Pilipinas kung saan sila ay nagpromote kanina kasama pa ang ibang cast.

Nito lang isang araw ay napag-usapan ang paglipat ni Richard Gutierrez sa TV5 (see the link) dahil sa mga isiniwalat ng nanay niyang si Anabelle Rama noong isang araw.

Hindi naman lingid sa kaalaman ng lahat na talagang ang Captain Barbell ang nag-iisang weakest slot ngayon sa GMA Telebabad (see the link) kaya naman marami ang nagtatanong sa extensyon nito. Ito nga ba ay ang tugon ng GMA7 sa banta ni Anabelle na ililipat niya si Richard sa TV5?

Share

Janine Gutierrez, pormal nang ipinakilala sa Party Pilipinas!


Pormal nang ipinakilala kanina sa Party Pilipinas Tibok si Janine Gutierrez sa bagong launch na segment na Love, Party Pilipinas kung saan nakasama niya sina Jay Perillo, Marc Abaya, Julie Ann San Jose, Melmar Magno (XLR8) and Dennis Trillo. "Who Says" ang title ng kinanta niya na pinasikat ni Selena Gomez na sinasabi ring kamukha niya.

Si Janine ang panganay na anak nina Lotlot de Leon at Ramon Christopher. Present sa launching na ito ang mga magulang ni Janine na sina Lotlot at Monching na suportado ang anak sa pagpasok sa showbiz. Habang nagpeperform siya ay suportado naman siya ng kanyang mga pinsan at mga kapatid kasama ang tita niyang si Jackilou Blanco. Sa stage naman ay pormal siyang winelcome nina Raymond at Richard Gutierrez na pinsan din niya!



Pinag-usapan din ang paglabas ni Janine Gutierrez sa twitter kaya naging trending topic ito kanina habang nagpeperform siya sa Party Pilipinas.

Siya ang sinasabing ipapakilala ng Party Pilipinas this week. (See the link)

Share

Ynna Assistio, wala na rin sa Party Pilipinas?


Isa si Ynna Assistio sa mga madalas mabiyayaan ng magagandang prods at solo prods sa Party Pilipinas! Minsan nga ay daig pa niya ang ilan sa mga regular performers/singers ng nasabing show sa dami ng prods.

Hindi rin kasi nakita sa katatapos lang na episode kanina ng Party Pilipinas at parang clueless ito sa kanyang twitter tungkol sa mga nagtatanong sa kanya kung bakit wala siya sa Party Pilipinas. Bali-balita kasing pinull-out siya ni Anabelle Rama sa hindi naman alam na dahilan!

Kung totoo man ito, kung tutuusin nga ay dapat pasalamat pa ang manager nito sa buong Party Pilipinas dahil nagkakaexposure ang alaga nito sa show at nagkakaroon pa ito ng matitinong prods!

Share

Pop Girls, hindi na makikita sa Party Pilipinas!



UPDATE from Pop Girls, mawawala na sa Party Pilipinas?

Hindi na nga nakita kanina ang grupong Pop Girls sa Party Pilipinas kanina nang wala man lang statement na lumalabas sa GMA7 man or sa Viva Artist Agency (VAA).

Bali-balita kasing pinull-out ng VAA ang Pop Girls dahil hindi na nagugustuhan nito ang treatment sa naturang girl group. Madalas kasing nakikita na back-up na lang sila ng iba pang Party Pilipinas artists at hindi na nagkakaroon ng solo segment hindi katulad ng naunang taon nila sa show.

Hanggang ngayon ay wala pa ring official statement mula sa Pop Girls tungkol sa issue na ito. Pero ang tanong ngayon, saan na sila ngayon magpeperform na grupo?

Share

FHM's Sexiest, ilalantad na!


Inaasahan ngayong unang Linggo ng July ay magkakaroon ng presscon kung saan ilalantad ang mga pumasok sa Top 100 Sexiest Women sa poll ng FHM Magazine.

June 15 huling nagsara ang botohan sa FHM at ayon sa huling unofficial tally bago magsara ang poll,  nag-lalaban sa pang-unang pwesto sina Angel Locsin, Marian Rivera at Sam Pinto.

Sino kaya sa kanila ang tatanghaling FHM's Sexiest this year? Malalaman natin 'yan sa 1st week ng July!


Share

Launch ng Wonderboys sa Party Pilipinas, Pinag-usapan!


Marami ang nag-abang sa paglabas ng bagong boy-pop-group sa Party Pilipinas kanina. Pinag-usapan nga ito hanggang twitter at talagang nagtrend worldwide!


Ang bagong P-pop group na ito ay binubuo nina:
San Ban Yo (Michael V.)
Tang Ha Ko (Ogie Alcasid)
Yee Saw (Antonio Aquitania)
Chang Ge (Boy II Quizon)

This is their music video (Bubble Gang)

Share

Anatomy of a Disaster tackles ocean waves this Sunday

The sheer volume of the ocean, covering more than seventy percent of the earth’s surface, has given it much command over nature.


As an archipelagic nation, the Philippines lay witness to the immense power of the ocean. Its ability to support and sustain life has given the country the world’s most ecologically diverse waters.

However, on certain conditions, its enormous strength and power can turn against the people who have treaded on a fine line between respect and fear for the ocean for thousands of years.

This Sunday, June 26, Richard Gutierrez finds out how people manage the force of nature found in ocean waves. He also dissects the elements that contribute in tragedies brought by the wrath of the ocean.

Anatomy of a Disaster looks back on the role of the ocean in the Philippines’ biggest tragedies of this century – the capsizing of the MV Princess of the Stars and the oil spill in Guimaras caused by the sinking of MT Solar 1.


More importantly, Richard Gutierrez gives the viewers helpful tips on how to avoid figuring into these mishaps with nature.

Join Richard Gutierrez as he looks into the enormous power of the ocean in Anatomy of a Disaster: Lakas ng Karagatan.

This timely environmental special airs this Sunday on SNBO, after Show Me Da Manny.


Share

Friday, June 24, 2011

May Magpapaalam sa Party Pilipinas Tibok!


Ano bang nararamdaman mo? Ano ba ang tibok ng puso mo?

Tibok ang theme ng Party Pilipinas ngayong Linggo (June 26, 2011) kung saan iba't ibang klase ng tibok/emosyon ang ipapakita ng show na idadaan sa kantahan at sayawan.

At dahil dito, isang Party Pilipinas Diva ang nakatakdang magpaalam. Kailangan niyang tapusin ang isang kwento sa isang paalam.

Abangan lang 'yan sa Party Pilipinas this Sunday!


Share

Party Pilipinas TiBok - 07.26.11


Handa na ang Party Pilipinas para sa isang heart-stopping opening sa premier Sunday noontime program dahil may isang magpapaalam.

May temang Tibok, may dalawa pang legend na manggugulat sa show tulad ni Maricel Soriano noong isang Linggo. Alamin kung sino sila na babalik sa dance floor pero bukod sa kanila ay mas dapat abangan ang ipakikilalang new star na mula sa sikat na showbiz clan!

Bibisita si Richard Gutierrez at ang kanyang ka-liga sa Captain Barbell habang ang paboritong Tween Hearts love teams na sina Julie Anne San Jose at Elmo Magalona ay magpapakilig.

Hindi magpapadaig ang Party Pilipinas originals sa biritan — Ogie Alcasid, Janno Gibbs, Jaya, Kyla, at Rachelle Ann Go — at sasamahan pa nina Glaiza De Castro, Mark Herras, Kris Bernal, Rochelle Pangilinan, Jump In winners, at lahat ng Sayaw Pilipinas Crew.

Sundin ang tibok ng puso ngayong Linggo sa GMA 7 pagsapit ng alas-dose ng tanghali.

This is the teaser


Share

Sarah Geronimo, may issue pa ring lilipat sa Kapatid Network!


Hindi pa rin matapos-tapos ang issue ng paglipat ni Sarah Geronimo sa Kapatid Network. Kaya raw nagpunta sa US si Sarah ay para makapag-isip-isip kung tuluyan na ba niyang iiwan ang Kapamilya Network or magsstay dito? Pero hindi naman mawawala ang mga espekulasyon na ito kung walang pinanggagalingan 'di ba?

Sa ngayon ay ASAP Rocks lang ang show ni Sarah ang ang pinakahuli niyang show sa network ay ang nacancel niyang show na "Idol" kung saan lagapak ito sa ratings.

Sa ngayon, kung aalis man si Sarah ay may isang Angeline Quinto nang pwedeng pumalit sa pwesto niya na mayroong concert this coming July. Hindi rin matatawaran ang galing nitong si Angeline ngunit masusubukan pa ang kanyang mga tagahanga this coming concert kung tatauhin or hindi.

Kapag bumalik nga kaya si Sarah Geronimo sa bansa ay dederetso na ito sa TV5? Magkatotoo kaya ang sinasabi ng ilan? Tingnan na lang natin kung ano ang mangyayari.


Share

Richard Gutierrez, lilipat na ng TV5?


Mukhang hindi na mapipigilan si Anabelle Rama sa kanyang bantang paglipat ng kanyang anak na si Richard Gutierrez sa Kapatid Network. Noong isang araw lang kasi ay wala itong tigil sa katatalak tungkol sa pagbabawas ng talent fee ng kanyang anak samantalang guaranteed contract ito.

Kasalukuyan pang umeere ang fantaseryeng Captain Barbell sa GMA Telebabad kung saan bida si Richard. Diumano ay umabsent ito sa kanyang taping ngunit siningil pa ito sa pag-absent niya ng 280,000 ayon na rin sa sinabi ng nanay niyang si Anabelle Rama.

Nakatakda namang magtapos ang Captain Barbell ngayong July kung hindi kami nagkakamali. Ang tanong, kung totoo ngang ililipat ni Anabelle si Richard sa TV5, pigilan pa kaya ito ng GMA Network or hayaan na lang? Ang Captain Barbell ngayon ang weakest sa ratings man or takbo ng istorya sa GMA Telebabad block.

Share

GMA Network's Gozon gets 'Outstanding Manilan' award


The Manila government on Friday recognized GMA Network Inc. chair and chief executive Felipe Gozon as one of the Outstanding Manilans, according to a "24 Oras" newscast Friday.

The award seeks to give recognition to men and women who were born, lived, or studied in the city, and whose achievements in their profession have contributed to the development of Manila, the report said.

Gozon received the award during a testimonial dinner at the Maynila Ballroom of the historic Manila Hotel Friday. The awarding ceremony was part of the 440th Araw ng Maynila celebrations.

Apart from Gozon, other media executives who received the award were Dr. Emilio Yap III, Manila Bulletin executive vice president for advertising, and Miguel Belmonte, Philippine Star president and chief executive.

Gozon, Yap, and Belmonte were cited for espousing objective journalism in the country, the report said.

Other awardees were Justice Andres Reyes for judicial administration, Justice Conchita Carpio Morales for law and jurisprudence, and Gen. Raul M. Bacalzo for public service and law enforcement.

Completing the list were Ambassador Bienvenido Tantoco Sr. for diplomacy and corporate leadership, Nina Lim Yuson for culture values formation, Andrew Tan for business entrepreneurship and management, and Fr. Jose Arcilla S.J. for education and history.
— JE/VS, GMA News

Share

Tiradors at Cosmic Giants, maghaharap ngayong July 4 na!


Ang dalawa sa pinakamasigasig at pinakatanyag sa Football team sa bansa na Tiradors at Cosmic Giants ay nakatakdang magharap sa pinakabagong serye na inaabangan na ng buong bayan, ang Futbolilits sa GMA7.


Itinatampok sa seryeng ito sina Raymart Santiago, Jennylyn Mercado, Paolo Contis, Angelika dela Cruz, Benjie Paras, Mosang, and Miss Nova Villa with Yogo Singh, Renz Valerio, Isabel Frial, Julian Trono, Iking Magundayao, JM Reyes, Gabriel Roxas at marami pang iba!

Ito ay idinirek naman ni Mike Tuviera at sinulat nina Aloy Adlawan, Kit Villanueva-Langit, AA Nadela at Maribel Ilag. Abangan ang Futbolilits sa GMA7 ngayong Hulyo!

This is the teaser

Share

Aubrey Miles, bagong madadagdag na character sa Amaya!



Isa sa mga characters na papasok sa Amaya ay ang character ni Aubrey Miles. Hindi pa namin alam kung magiging kakampi siya or kalaban pero 'yan daw ang dapat nating pakaabangan.

Isa lang siya sa ilan pang artistang ipapasok sa epicseryeng Amaya ng GMA7. Mas lalo pang magiging maganda ang mga tagpo ng Amaya sa mga susunod na Linggo dahil mula sa pagkaalipin ay inaasahang magiging warrior na siya!

Bukas na ang simula ng taping ni Aubrey sa Amaya.


Share

DISCLAIMER

All the videos and contents are to their respectful owners. No copyright infringement intended. Some videos are linked for youtube.com, justin.tv, ustream, etc.

LionhearTV simply provides the information for readers who may be interested.

LionhearTV claims no credit for any images featured on this site unless otherwise noted. If you own the rights to any of the articles, images or videos and do not wish them to appear on the site please contact us and they will be promptly removed.

Email me:

All rights reserved : Lionheart 2009
for feedback - email me at AOLionheart@yahoo.com
Related Posts Plugin for WordPress, Blogger...
Twitter Delicious Facebook Digg Stumbleupon Favorites More

 
Design by Free WordPress Themes | Bloggerized by Lasantha - Premium Blogger Themes | Bluehost Coupons