Search This Blog

Loading...

Sunday, July 31, 2011

Pagiging Kapamilya, naudlot! Christopher de Leon, magiging Kapatid na!


Kinumpirma na last month pa (habang umeere pa ang Captain Barbell) mula sa kanyang manager na si Lolit Solis na may offer ang kanyang alagang si Christopher de Leon mula sa ABS-CBN (see the link). Ito raw ay isang Primetime series na siya ang isa sa mga bida kaya tatanggapin niya ang alok at tatapusin lamang ang Captain Barbell sa GMA7.

Nang dahil sa pagdating ni Nora Aunor sa bansa ay nagbago ang ihip ng hangin. Pinili na ni Christopher na maging Kapatid at makasama sa isang project ang nag-iisang Superstar na si Nora Aunor sa muli niyang pagbabalik-telebisyon (see the link). Makakasama rin daw dito ang winner ng Best Actress sa Cinemalaya 2011 na si Eugene Domingo.

Inaabangan ang muling pagtatambal ng ex-couple dahil matagal na silang hindi napapanood na magkasama sa isang TV project.

Share

Marvin Agustin, masaya sa kanyang role sa "Iglot"


Balik sa pagiging mabait at inaaping role si Marvin Agustin sa bago niyang Telebabad series na "Iglot" kasama ang mga ex-Kapamilyas na sina Patrick Garcia, Pauleen Luna, Luis Alandy, Jolina Magdangal at Claudine Barreto. Pinakahuli kasi niyang serye ay ang "Beauty Queen" kung saan sobrang sama ng ugali niya at nang-aapi siya.

Muli ring makikitang mag-aararo at lulusob sa putik si Marvin dahil mahirap ang role niya sa seryeng ito kaya dapat ninyong pakaabangan. Sa August 29, ang grand premiere ng Iglot after 24 Oras.

Share

Nadine Samonte, kinampihan si Marian Rivera


Matagal na ang naging issue ni Marian Rivera at Bela Padilla kung saan nakasama nila si Nadine Samonte sa Korean adaptation ng "Endless Love" kung saan ang bida ay sina Marian at Dingdong.

Kamakailan lamang sa presscon ng The Sisters na pinagbibidahan naman ng bagong lipat sa TV5 (Mula sa GMA7) na si Nadine, napag-usapan ang isyu nina Marian Rivera at Bela Padilla, sabi ni Nadine, not true na ni-lock ni Marian si Bela dahil walang lock ang restroom.

Hindi na napag-uusapan ang issue na ito pero dahil sa rebelasyong ito ni Nadine, lalong marami ang mapapaniwalang walang katotohanan ang mga issue na ibinabato kay Marian sa nangyari sa taping noon ng Endless Love. Ano naman kayang masasabi ni Bela dito?

Share

Dingdong Dantes at Rhian Ramos, magtatambal muli sa isang TV series?


Mukhang malapit na namang magbalik-tambalan angtambalan na una nating nagustuhan sa Korean adaptation ng GMA7 na "Stairway to Heaven" dahil malakas ang balitang sila ulit ang magsasama sa pinakabagong serye ng GMA7.

Dapat sana ay si Heart Evangelista ang makakasama ni Dingdong Dantes sa muling pagbabalik niya sa primetime (see the link) pero dahil nga sa naging conflict n Heart with Marian Rivera na girlfriend ni Dingdong, ay ipinasya nang iba na lang ang makapareha ni Dingdong (see the link).

Ang seryeng dapat sana'y pagsasamahan nina Dingdong at Heart raw ay ang "Cain at Abel" kung saan kasama rin sa cast si Aljur Abrenica. Bale si Dingdong at Aljur ang magiging bida rito bilang magkapatid (see the link). Si Rhian na raw ang napipisil na gumanap bilang kapareha ni Dingdong dito.


Share

Paulo Avelino, tuloy na sa Kapamilya Network


Ang Kapuso actor na si Paulo Avelino na ang pinakabagong maglilipat-bakuran sa ABS-CBN (see the link). Nakapagmeeting na raw si Paulo sa harap ng ilang matataas na opisyal ng ABS-CBN. Si Deo Endrinal daw ang sinasabing magiging manager nitong si Paulo sa ABS-CBN.

Kulang na lang kay Paulo ay ang pirmahan ng kontrata para maging legal nang Kapamilya siya.

Huling napanood si Paulo sa GMA afternoon series na "Alakdana" at sa Cinemalaya filmfest entry na "Ang Sayaw ng Dalawang Kaliwang Paa".


Share

Friday, July 29, 2011

Iza Calzado, itinangging may balak lumipat sa Kapamilya Network


Itinanggi ni Iza Calzado ang balitang nagbabalak siyang lumipat sa kabilang network (see the link). Nagsimula sa isang blind item mula sa isang talk show hanggang sa magkaroon na nga ng pangalan at ito nga ay si Iza Calzado.

Nagulat pa nga siya nang mabalitaan niya ito dahil wala man lang siyang natatanggap o nakakausap man lang na kahit na sinong executives ng Kapamilya Network.

Nagtatanong lang daw naman siya at gusto niya lang na malaman ang kanyang mga option bilang talent ng Artist Center ng GMA 7, maliban sa mga alok ng Kapuso network. Wala pa raw negosasyon na nangyayari sa kahit na anong network si Iza.


Share

Grand Finals ng kiddie talent search ng GMA-7 na Pre-School I-Shine Talent Camp TV na bukas!


Isa sa 12 na I-Shiners ang tatanghaling Grand Shining Child Star sa pagwawakas ng kiddie talent search ng GMA-7 na Promil Pre-School I-Shine Talent Camp TV bukas. Pero bago ang big announcement, magpapakitang gilas muna ang mga finalist sa isang Grand Recital.

Ang mga nakakuha ng pinakamaraming stars noong dance workshop ay magpe-perform sa isang dance number habang ang mga nag-excel naman sa pag-arte ay magtatanghal sa isang short play.

Samantala, isang song number ang ihahandog ng mga pinakamahuhusay umawit habang ang mga nag-stand out naman sa hos­ting workshop ay makikipagsabayan kina Mikee Cojuangco-Jaworski, Paolo Contis, at Jillian Ward.

Sino kaya kina Angel, Aqi, Nicole, Vaughn, Val, Fyren, Sasha, Sean, Cassie, JN, Cheska at Juan Carlos ang nakakuha ng pinakamaraming stars at mag-uuwi ng grand prize na P200,000 at contract under GMA Artist Center?

Mapapanood ang pinaka-aabangang Grand Recital at finale ng Promil Pre-School I-Shine Talent Camp TV bukas pagkatapos ng Showbiz Central sa GMA-7 na may simultaneous telecast din sa GMA News TV.

Share

Eugene Domingo, muling nagbabalik sa Kapatid Network


Magkakaroon ulit ng bagong show si Eugene Domingo (see the link) sa TV5 at makakasama niya rito sina Christopher de Leon at Nora Aunor na muling nagbabalik-showbiz. Kahit na kilala siyang Kapuso ay pwede pa rin naman siyang tumanggap ng mga projects kahit na kabilang istasyon basta walang conflict.

Katatapos lang ni Eugene na tumanggap ng Best Actress award sa katatapos lang na Cinemalaya sa pelikula niyang "Babae sa Septic Tank" at handang-handa na siyang makipagsabayan ng aktingan sa nag-iisang Superstar na si Nora Aunor.

Drama ang magiging tema ng kanilang serye kasama pa si Christopher de Leon na may pamagat na "Donya Negra".

Share

ABS-CBN, naghahanap ng magiging bagong Captain Barbell


Sino naman kaya ang pagaganapin na Captain Barbell ng ABS-CBN ngayong nabili na nila ang rights nito sa pamilya ni Mars Ravelo, writer ng nasabing nobela? Katatapos lang kasi ng Captain Barbell sa GMA7 at ngayon ay nasa ABS-CBN na ang karapatan para mamili ng kanilang bagong gaganap sa superhero na ito.

Kahit nagawa na ito ng dalawang beses ng GMA 7, marami pa rin ang magiging interesado na mapanood nito kapag ginampanan ito ng isang Kapamilya. Ganito kasikat ang superhero na ito. Sino kaya ang babagay sa role na ito sa mga Kapamilya leading men? May suggestion ba kayo?

Si Richard Gutierrez ang huling gumanap sa TV bilang Captain Barbell at ayon sa kanya (mula sa isang panayam), wala pa siyang nakikitang babagay sa role kundi siya lamang.


Share

Party Pilipinas SMAK (Sayaw Mo, Awit Ko)


Humanda na para makising-along at makipagsayawan ngayong Linggo sa SMAK—Sayaw Mo, Awit Ko ng Party Pilipinas.

Sa grand opening pa lang, paparada na sa sayawan at kantahan ang buong community PP.

Ilulunsad din ang Time Of My Life, ang una at bagong dance-serye ng GMA 7.

Join in the cast as they move their way to the stage in a dance fusion. Groove with Kris Bernal, Rocco Nacino, Mark Herras, Jean Garcia, Cherrie Gil, Emilio Garcia, Joshua Zamora, Ronnie Henares and Geleen Eugenio kasama ang Sayaw Pilipinas crew, Tweens and Jump-in winners.

Plus, it’s the final dance-off. Who among the dancing partners, Sef Cadayona-Ruby Rodriguez and Kris Bernal-John Feir will win the ultimate Celebrity Dance Match? Bumoto sa inyong paboritong pair this Sunday. Magpi-piyesta ang inyong mga mata sa kaseksihan nina Solenn, Lovi, Iza, Glaiza, Isabelle and Heart—sa isang sizzling dance number.

Party Pilipinas gives way to the stage comeback of an OPM artist as she joins in the line of the Party Pilipinas OPM musical ensemble. And be awed as the pride “birit” singers of Party Pilipinas belt out classic movie dance themes that will bring you back down memory lane.

The showbiz heirs are back and they will be singing their way to your hearts; catch Ynna, Ysa, Janine and Kylie. And join in the cast of Tweens led by loveteam, Julie Ann and Elmo as they showcase their singing talents, launch their album and finally, celebrate the birthdays of Barbie and Derrick.

Share

Eugene Domingo, makakasama sa muling tambalan nina Nora Aunor at Christopher de Leon sa TV?


Pagkatapos ng nawalang game show ni Eugene Domingo sa TV5 na "Lucky Numbers", heto naman at sasabak na naman siya sa isang aktingan.

Makakasama raw si Eugene sa pagbabalik telebisyon ng nag-iisang superstar na si Ms. Nora Aunor. Ang teleseryeng ito raw ay ang pagbabalik-tambalan nina Nora Aunor at Christopher de Leon. Donya Negra raw ang magiging tile ng seryeng ito ng TV5.


Share

Albie Casiño at Yen Santos, magkakaroon na ng sariling soap?


Mukhang ang remake na nga ng 1980's Regal Movie na Problem Child ni Cherrie Gil ang magiging bagong soap ni Albie Casiño at si Yen Santos na ang kanyang makakapareha. Kaya hindi totoo ang mga balitang lilipat na ito ng ibang istasyon. Na kahit nawalan ng mga projects si Albie ay meron naman palang kapalit.

Nakapagpictorial na raw ang dalawa noong isang araw paat nakaset daw ang TV remake na ito para ipalabas sa Kapamilya Gold. Abangan na lang natin ang mga susunod na anouncements tungkol dito.

Matatandaang noong una pa lamang ay nakaset na si Andi Eigenmann para sa remake ng pelikulang ito sa kanyang pagpirma bilang isang Regal Baby last year. Ngayon naman ay sa TV remake ng sinasabing ama ng kanyang ipinagbubuntis na si Albie.

Share

Sef Cadayona, baklang-bakla sa Time of My Life


Baklang-bakla raw ang magiging role si Sef Cadayona na sa simula raw ay mukhang hindi kumportable sa role. For sure na magugulat ang mga fans niya sa magiging trasformation sa seryeng ito.

Harry ang magiging name ni Sef dito na miyembro ng The Motion Dancers kung saan kasama niya sina Rocco Nacino, Mark Herras at Kris Bernal. Siguradong hindi ninyo kakayanin ang mga dialogues dito ni Sef!

Sa pagtanggap ni Sef ng role na ito, siguradong kapag nagustuhan siya rito ay magsusunod-sunod na ang pagiging bakla niya sa serye. Panoorin na lang natin ngayong unes (August 1, 2011) sa pagsisimula ng Time of My Life sa GMA Telebabad kung pasado naman ang pagiging bakla nitong si Sef.


Share

Kim Chui, sa muling pagbabalik sa Primetime Bida


Ngayong Agosto, wala nang makakahadlang sa muli niyang pagbabalik! Ang pinakamatagumpay na prinsesa ng primetime, magpapakalalaki?


Paanong nangyari 'yun? Mas mamahalin mo siya sa "My Binondo Girl"! Abangan sa Primetime Bida!

This is the teaser

Share

Isa na namang Unkabogable Sunday kasama sina Enrique Gil, JM De Guzman, Enchong Dee, Marissa Sanchez at Frenchie Dy


Ang mga teleserye heartthrobs na sina Enrique Gil at JM De Guzman ang makikipaghatawan kay Vice Ganda sa sayawan! Ano-ano kayang mga dance moves ang inyong matututunan? Kasama pa ang tinitiliang si Enchong Dee para sa promo ng Maria La Del Barrio.

At ano namang kalokohan ang gagawin ni Vice sa mga guests na sina Marissa Sanchez at Frenchie Dy? Isasalang daw sila sa hot seat na nagsheshake na siguradong katutuwaan ninyo.

Siguradong unkabogable laughtrip na naman ang Sunday ninyo sa Gandang Gabi Vice, Linggo pagkatapos ng Pilipinas Got Talent.

This is the video

Share

Ang Bagong GMA Telebabad


Sa pagtatapos ng Captain Barbell ay muling magbabago ang schedule ng GMA Telebabad. Nagtapos ang Captain Barbell noong Biyernes at papasok na ang pinakabagong show ng GMA7 - ang kauna-unahang danserye sa primetime, ang "Time of My Life" na pinangungunahan nina Rocco Nacino, Mark Herras at Kris Bernal (see the link).


Simula Lunes (August 1, 2011), ay mapapanood na ang "Amaya" pagkatapos ng "24 Oras." Ang magiging katapat na ng "Amaya" ay ang "100 Days To Heaven" ng ABS-CBN. After "Amaya" ay susundan ito ng "Munting Heredera" at ang pilot episode ng danserye na "Time of My Life."

At sa pagtatapos ng Secret Garden ay papalit sa slot nito ay ang pinakabagong Koreanobela sa Telebabad na "Big Thing" na magpepremiere ngayong August 8.

Share

Amaya at 100 Days to Heaven, magkakasalpukan na simula ngayong Lunes!


Dalawa sa mga pinakainaabangang serye ngayon sa telebisyon ay magkakasalpukan na ng timeslot. Nagtapos na kasi ang Captain Barbell noong biyernes at inaasahang simula ngayong Lunes (August 1, 2011), magkakasalpukan sa timeslot ang 100 Days to Heaven (ABS-CBN) at ang Amaya (GMA7).

Magkakaalamanan na kung sino sa kanila ang mas pakakatutukan ng sambayanan! Sino kaya sa dalawang shows na ito ang mananatiling panalo? Tingnan na lang natin sa mga lalabas na ratings.

Share

Most Popular Topic for the Week 30

Thank God it's Friday! Weekends na naman! This will be the start for LionhearTV to post the most talked about issues for this week.


And here they are:

1. James Reid at Devon Seron, mapapanood sa GMA7!
2. Iza Calzado, malapit nang maging Kapamilya?
3. Si Jessy Mendiola na ang bagong Darna?
4. Paulo Avelino, nagbabalak nang lumipat bilang Kapamilya?
5. Sarah Lahbati, may manliligaw na taga-ABS-CBN?
6. John Lloyd Cruz, Yes! Magazine's Most Beautiful Star for 2011
7. Albie Casiño, susunod na mag-aappear sa 100 Days to Heaven
8. Enzo Pineda at Louise delos Reyes, napagsabihan ng GMA Artist Center?
9. Pahiram ng Isang Ina, magsisimula na sa August 15, 2011
10. Carla Abellana at Michelle Madrigal, magsasama sa isang serye

TOP SEARCHES FOR THIS WEEK
1. lionheartv
2. asap rocks july 24 2011
3. elmo magalona
4. pahiram ng isang ina
5. encantadia
6. 100 top most. beautiful people on yes magazine 2011
7. asap july 24 2011
8. asap rocks july 24
9. asap rocks july 24, 2011
10. barbie forteza

Share

Thursday, July 28, 2011

Kilalanin si Jake Vargas bilang si Luke sa "Pahiram ng Isang Ina"


Matapang siyang sabihing hindi niya kailanang ang kanyang ama. Ngunit ang katotohanan, naghahangad din siya ng pahmamahal ng magulang.

Kilalanin si Luke, na gagampanan ni Jake Vargas sa Pahiram ng Isang Ina. Ngayong Agosto sa Dramarama sa Hapon ng GMA.

This is the video

Share

Carmina Villaroel bilang Emily sa "Pahiram ng Isang Ina"


Isa syang magaling na businesswoman. Mayaman at mabait. Minsan nang umibig at nagtiwala ngunit nabigo. Nasa kanya man ang lahat, sadyang may kulang pa.

Kilalanin si Carmina Villaroel bilang Emily sa Pahiram ng Isang Ina. Ngayong Agosto sa Dramarama sa Hapon ng GMA.

This is the video


Share

Kapuso Tweens, magbibida sa pinakabagong Spooky Nights



Pagkatapos ng Mananaggala episode this Saturday na pinagbibidahan ni Claudine Barreto, mga tweens naman ang magpapanginig sa susunod na Sabado ng gabi!

Ang mga Tweens na sina Bea Binene, Derrick Monasterio, Louise delos Reyes, Jake Vargas at Kristoffer Martin ang magbibida sa episode na ito na may title na "Ang Bahay ni Lolo". Hindi pa raw ang final ang title na malamang ay mapalitan pa.

Share

Claudine Barreto, may halong kaba sa nalalapit na pagsisimula ng Iglot


Isang buwan na lamang ang hihintayin at magpapilot na ang pinakainaabangang pagbabalik ng Optimum Teleserye Star na si Claudine Barreto sa primetime! Ito ang magiging kauna-unahang Telebabad series niya kaya naman hindi niya maaalis ang kaba kahit papaano.

Makakasama ni Claudine ang mga dating Kapamilyang sina Marvin Agustin, Jolina Magdangal, Luis Alandy, Patrick Garcia at Pauleen Luna (see the link). Introducing naman ang batang si Milkach Wynne Nacion na bagong discovery ng GMA7 (see the link).

Share

Going Bulilit Alumni, magkakaroon na ng TV series


Hindi maipagkakailang maraming magagaling talaga lalo na sa mga naungang batch ng Going Bulilit graduates. Ilan sa kanila ay nabigyan na ng sari-sariling shows at lalo pang sumikat. Example na riyan sina Kathryn Bernardo at Julia Montes (na dating Mara Snitchika) na lalo pang sumikat dahil remake ng teleseryeng Mara-Clara at si Eliza Pineda na una nang binigyan ng role para sa Maria Flordeluna.

Sa ngayon daw ay may plano ang Kapamilya Network na gawan ng isang TV series ang mga Goin Bulilit Alumni. Sabagay, pagkatapos kasi ng Going Bulilit ay bigla na lang silang nawawala kasi kokonti lang ang shows na nagfifit sa kanila. Buti na lang at nauuso ang mga Youth Oriented Shows ngayon kaya bagay na bagay silang bigyan ng bagong shows.

"Luv You" raw ang magiging working title nito na hindi pa alam kung magiging daily series or pang-weekend lang. Abangan na lang daw natin kung ano pang mangyayaring developments sa show na ito.


Share

Paulo Avelino, nagbabalak nang lumipat bilang Kapamilya?


Lumalakas ang balitang may balak nang lumipat si Paulo Avelino sa ABS-CBN. Si Paulo Avelino ay isa sa mga produkto ng reality-artista search ng GMA7 na Starstruck.

Huling napanood sa GMA7 si Paulo Avelino sa telefantasyang "Alakdana" sa Dramarama kung saan bida si Louise delos Reyes. Kasali naman siya sa Cinemalaya entry na "Sayaw ng Dalawang Kaliwang Paa" kung saan kasama niya sina Jean Garcia at Rocco Nacino. Si LJ Reyes naman na nanay ng anak niya ay kasama sa danserye ng GMA7 ngayon na may title na "Time of My Life" at malapit na itong magsimula. Iconsider kaya niya ito?

Sa ngayon ay wala pang official statement ang kampo ni Paulo pero may balitang naka-set na ang meeting nila with some ABS-CBN executives next week.


Share

John Lloyd Cruz, Yes! Magazine's Most Beautiful Star of 2011


Pinangunahan ni John lloyd Cruz ang listahan ng 100 Most Beautiful Stars of 2011 ng Yes! Magazine. Si John Lloyd na rin ang kanuna-unahang nanguna sa listahan ng Yes! Magazine sa kanilang taunang 100 Most Beautiful Stars.

Here are the list of 100 Most Beautiful Stars (alphabetically arranged):


This magazine is available now on your favorite news stands and bookstores nationwide. Grab your copies now!

Share

Wednesday, July 27, 2011

Enzo Pineda, nagpaliwanag sa nangyaring fans day with Louise delos Reyes


Naisulat kamakailan lamang na napagsabihan sina Enzo Pineda at Louise delos Reyes sa nangyaring grand fans day (see the link) nila ng GMA Artists center dahil hindi daw ito nagpaalam.

Nagpaliwanag na si Enzo Pineda na nangyaring grand fans day kung saan napagsabihan daw sila ng GMA AC kung saan kasama si Louise. Kahapon ay nagpaliwanag na siya sa presscon ng Time of my Life na malapit nang ipalabas sa Telebabad ng GMA7.

“Nagpaalam naman po ako sa GMA Artist Center na may fans day ako. Lihim nga ang naging okasyon pero nagulat ako na may fans din ng Enzo at Louise na dumating kaya tinawagan ko si Louise na pumunta para makilala ng fans ko. ’Yun po ang totoo, fans day ko lang ang nangyari at walang kinalaman si Louise sa naganap na okas-yon,” paliwanag ni Enzo.

Nasabi rin ni Enzo na halos 5 months na siyang nanliligaw kay Louise at nasa "know each other stage" pa rin sila.

Share

Albie Casiño, susunod na mag-aappear sa 100 Days to Heaven?


Mukhang sa pagkatagal-tagal na hindi pag-appear sa TV, muling magbabalik daw si Albie Casiño via 100 Days to Heaven.

Muling mag-aappear daw si Albie Casiño sa 100 Days to Heaven after ng appearance ni Vice Ganda ngayong week. Ano kayang magiging role niya rito at anong nagawa sa kanya ni Madam Anna Manalastas noong siya ay nabubuhay pa?

Matatandaang pinababa si Anna sa langit sa pakiusap nito kay San Pedro para ituwid lahat ang kaniyang nagawang pagkakamali sa ibabaw ng lupa. Binigyan siya ng 100 Days para gampanan ang pagiging isang forgiving at bumait na employer.

Ano na naman kayang matututunang araw sa yugtong ito? Abangan 'yan sa mas lalo pang umiigting na kwento ng 100 Days to Heaven pagkatapos ng TV Patrol sa ABS-CBN!

Share

Beyond Limits : Julie Anne San Jose - Jonalyn Viray - Frencheska Farr (Back to Back to Back concert)


BEYOND LIMITS
Presents By: Creative Media Entertainment
Starring: Frencheska Farr, Julie Anne San Jose and Jonalyn Viray
Live at MUSIC MUSEUM
September 03, 2011 at 8:00 PM (Saturday)
Tickets Now Available in Ticketworld and Music Museum @ Php. 1,500.00, 1,000 and 600

Share

Iza Calzado, malapit nang maging Kapamilya?


This November daw matatapos ang contract ni Iza Calzado sa GMA7 at malakas ang mga balitang mangingibang bakod na ito.

Sa tuwing natatapos ang kontrata ni Iza sa Kapuso Network ay nagkakaroon ng balitang lilipat siya sa Kapamilya Network. Pero this time daw ay totohanan na since may offer daw ang ABS-CBN at sigurado namang hindi sa pipitsuging show lang siya dadalhin.


Tingnan na lang natin kung matuloy ito or magkaroon ng counter offer si Iza from GMA7. Isa kasi sa mga iniingatang stars si Iza ng Kapuso Network kaya sigurado itong hindi naman pababayaan basta-basta na mawala.



Share

Sarah Lahbati, may manliligaw na taga-ABS-CBN?


Kahapon ang naging presscon ng kauna-unahang danserye ng GMA7 na "Time of My Life". Kumpleto ang cast nito na halatang excited na sa magiging kalalabasan nito.

Isa si Sarah Lahbati samga cast nito na from bida ay mukhang magiging kontrabida ang role. For sure na medyo magiging challenging ito sa kanya since medyo maamo ang mukha niya kung papano niya gagawing hindi kagandahan ang ugali.

Hindi naman naitanggi ni Sarah Lahbati sa isang interview na may manliligaw siya ngayon at ito nga ay isang taga-ABS-CBN. Masugid talaga itong manliligaw at mukha namang pepwede. For now, hindi pa napapangalanan kung sino ito pero ito din ay cast ng danserye ng ABS-CBN. Good vibes na lang daw!


Share

Bahay ni Kuya, malapit nang magbukas muli


Malapit na namang magbukas ang pinakasikat na bahay sa buong bansa! Marami ang nag-aasam na mapabilang bilang mga bagong housemates ni Kuya. Sino-sino kaya ang mga masuswerteng mapapapasok sa Season 4 ng Pinoy Big Brother?

Pero teka, gusto mo rin bang maging housemate sa pinakasikat na bahay sa bansa? Baka ito na ang last chance mo para mag-audition! Pwede ka pang humabol! Punta na ngayong July 30, Saturday sa Robinson's Nova Market (Fairview). Baka ikaw na ang maging bida at next Big Winner ng Pinoy Big Brother Season 4!

This is the video

Share

Si Jessy Mendiola na ang bagong Darna?


Noong June lang ay nagulat ang karamihan nang malaman nilang nakuha na pala ng Kapamilya Network ang mga likhang Komiks ni Mars Ravelo (see the link) kasama na rito ang Darna na huling ginampanan ni Marian Rivera sa GMA7.

Kaya naman naging palaisipan sa mga Kapamilya kung sino ang gaganap na Darna. Nagkaroon pa ng fan-made teaser kung saan muling lulunukin ni Angel Locsin ang bato ni Darna and this time, sa ABS-CBN naman.

Pero totoo kayang si Jessy Mendiola na ang bagong magiging Darna according sa source ni IC Mendoza na sinabi niya sa show nilang Juicy kahapon lang? At ang magiging role lang ni Angel dito ay tagapasa ng bato sa bagong Darna na si Jessy?

Share

Junior Masterchef - Pinoy Edition, malapit na


The biggest cooking reality show sa mundo, nandito na sa Pilipinas! Sumikat ito sa United Kingdom at Australia. Ngayon, inikot ang buong bansa para mahanap ang pinakamahusay.

Kabataang Pinoy naman ang bibida sa kusina. Dumaan sila sa matinding audition process. Kaninong pangarap naman ang bibida? Bida Kid! Bida Dreamer! Junior Masterchef - Pinoy Edition, malapit na!

This is the teaser

Share

Tandem nina Jose at Wally, makikigulo sa anniversary special ng Comedy Bar


Mamaya na ang taping para sa anniversary presentation ng Comedy Bar sa Zirkoh, Morato at balita namin ay makikigulo doon ang tropa ng Juan for All : All for Juan ng Eat Bulaga na sina Jose Manalo at Wally Bayola samahan pa natin ng tandem nina Eugene Domingo at Allan K. For sure na magiging riot na naman ito!

Makakasama pa nina Jose at Wally bilang guests sina Jolina Magdangal, Daniel Matsunaga, Jana Dominguez, Pekto, John Feir, Steven Silva, Sef Cadayona at ang kontrobersyal na si Amanda Coling.

Abangan ang anniversary presentation nila ngayong Sabado, 10:45pm sa GMA7!

Share

Amanda Coling, papasukin na ang showbiz?


Matapos malibot ni Amanda Coling ang mga showbiz talk shows ng tatlong malalaking networks sa bansa (magmula sa Showbiz Central [GMA7], hanggang sa Paparazzi [TV5] at sa The Buzz [ABS-CBN]) at magkaroon ng ingay at maging kontrobersyal matapos akusahan ng harassment ang 4 na miyembro ng Team Azkals, magiging guest naman siya ng first anniversary ng Comey Bar ng GMA7.

Mamaya na ang taping ng anniversary special na ito ng show nina Allan K. at Eugene Domingo na gaganapin sa Zirkoh Comedy Bar. Open naman si Amanda na gusto niya talagang pumasok sa showbiz. Tingnan natin naman kung magclick siya sa guesting na ito.

Bukod kay Amanda, ilan pa sa guests ng Comedy Bar ay sina Jolina Magdangal, Daniel Matsunaga, Jana Dominguez, Pekto, John Feir, Steven Silva, Sef Cadayona at sina Jose at Wally.

Share

Tuesday, July 26, 2011

Rocco Nacino, pinalakpakan sa husay sa pag-arte


Marami ang pumuri sa husay ng aktor na si Rocco Nacino sa pagganap niya sa Cinemalaya entry na "Sayaw ng Dalawang Kaliwang Paa". Mahusay ang akting niya rito at makikita 'yan sa mga movie reviews ng iba't ibang sites tungkol sa movie niyang "Sayaw ng Dalawang Kaliwang Paa" kung saan kasama niya sina Jean Garcia at Paolo Avelino.

Mabuti na lamang at tinanggap niya ang movie na ito dahil noong una raw ay hesitant ito dahil sa may touch ng "gay" ang theme nito.

Marami tuloy ang nagkukumpara sa kanila ni Aljur Abrenica na galing rin ng Starstruck. Malayo na kasi ang narating ng pag-arte ni Rocco kumpara sa kay Aljur.


Share

Protégé aspirants storm Iloilo and Batangas


"Aspirants from all over Panay and Negros Islands trooped to the Events Center of SM City Iloilo last Friday to take their chance in the second leg of auditions of GMA Network's grandest singing superstar search, Protégé: The Battle for the Big Break.

"Prospective contenders from Aklan, Antique, Bacolod, Capiz, Guimaras, and Iloilo lined up for hours aiming to be the first on queue to showcase their talents. Without the age restrictions, the auditions drew a new crop of hopefuls of all ages—from five to fifty five years old.

"Protégé mentor Janno Gibbs joined audition masters GMA Artist Center Head for Talent Management Arsi Baltazar and distinguished starmaker Jojie Dingcong to decide who among the hundreds of aspirants will make the cut and become his three potential protégés in the region.

"There were some who brought their musical instruments and sang their own compositions. One aspirant auditioned with her mother while the another hopeful tagged along his sister. Despite her disability, a blind girl wowed the audition masters with her powerful voice.

"Baltazar and Dingcong found some promising talents in Iloilo including Vince Pulido, 12, who got the crowd cheering when he belted Frank Sinatra's I Who Have Nothing and Ricky Deloviar, 21, who impressed everyone with his rendition of Bryan Adams's Everything I Do. The two ended up getting the nod of the audition masters enough to qualify for the callback the following day.

"Protégé's Journey Host Ogie Alcasid made a special appearance which surprised the Ilonggos at the venue. He even obliged the audience with a song at the request of his fans. One aspirant became very emotional when Ogie joined her on stage as she performed in front of the audition masters.

"Meanwhile, Jukebox Queen Claire dela Fuente traveled to her hometown in Batangas last Sunday to find the best bunch of protégés to compete in the reality search. The Batangueña Mentor listened intently to every aspiring singer who came to the auditions in SM City Batangas and witnessed the drama behind each and every contender.

"Six more distinguished mentors will hunt for their prospective protégés as the nationwide auditions continue on the following dates and venues: NE Pacific Mall Cabanatuan (July 29) with Jay-R; SM Pampanga (July 31) with Rey Valera; SM Davao (August 5) with Jaya; CSI Mall Dagupan (August 7) with Joey Generoso; SM Cagayan de Oro (August 10) with Aiza Seguerra; and SM Mall of Asia Music Hall (August 13) with Gloc-9. Auditions will be from 10am-7pm."

Share

SNBO: Report Card "Ang Antas ng Edukasyon sa Pilipinas"


In a special documentary, veteran broadcaster Mike Enriquez and popular actor and education advocate Dingdong Dantes probe the issues behind the many problems that stop countless Filipinos from learning and getting access to their basic right to education.

Don't miss, "Report Card: Ang Antas ng Edukasyon sa Pilipinas" on July 31, 10:15 PM, on Sunday Night Box Office (SNBO) on GMA.

This is the teaser

Share

Jennylyn Mercado, magkakaalbum na muli


Sa wakas ay magkakaroon na ulit ng album si Jennylyn Mercado! Masaya niya itong ibinalita sa bago niyang Twitter account na http://twitter.com/MercadoJen.

Ito raw ay under Viva Records at malamang na this September na magsimula ang recording. Marami namang natutuwa sa news na ito kay Jennylyn na kahit na inuulan ng intriga ay kasabay pa rin ang ulan ng biyaya.


Share

GMA News and Public Affairs coverage ng SONA, mas pinakatutukan!


Hindi talaga nagpapatalo ang tatlong TV Networks sa ating bansa - ABS-CBN, TV5 at GMA7, sa kanilang pagkuha ng mahahalagang impormasyon lalo na sa kauna-unahang SONA ni Pangulong Noynoy Aquino. Hindi sila pahuhuli sa mga kaganapan at mga exclusive scoops tungkol sa SONA.

Pinakatutukan ang lahat ng mga TV stations at tumutok ang mga tao sa mas pinagkakatiwalaan nila. Dahil dito, waging-wagi sa ratings ang nakaraang coverage ng GMA News and Public Affairs sa nakaraang State of the Nation Address (SONA) ng ating Pangulong Benigno Simeon "Noynoy" Aquino.

Malayo ang naging agwat na nakuhang ratings ng SONA coverage ng GMA7 kumpara sa nakuha ng ABS-CBN at TV5 ayon sa AGB Nielsen ratings, household man o people ratings. Nasa ibaba ang ratings na nakuha ng 3 TV networks sa kabuuan ng kanila coverage ng SONA.

AGB Nielsen
July 25, 2011

People Ratings:
SONA 2011 State of the Nation Address: The GMA News Coverage (GMA-7) 7.5%
Ulat Sa Bayan Ika-2 State of the Nation Address (ABS-CBN) 4.6%
Pagbabago SONA 2011 (TV5) 1.2%

Household Ratings:
SONA 2011 State of the Nation Address: The GMA News Coverage (GMA-7) 17.8%
Ulat Sa Bayan: The State of the Nation Address (ABS-CBN) 11.1%
Pagbabago SONA 2011 (TV5) 3.0%


Share

Vice Ganda, muling papasok sa 100 Days to Heaven


Muling magbabalik ang karakter ni Vice Ganda bilang isang parlorista sa teleseryeng 100 Days to Heaven. Kinumpirma na 'yan ni Vhong Navarro noong isang araw sa show nilang Showtime.

Kapapasok lang ni Vhong sa 100 Days to Heaven last week (see the link) at nakatakdang matapos ang kanyang role this week bilang payaso.

Ano na naman kayang misyon ang gagawin ni Vice sa buhay ni Madam Anna Manalastas? Ano-ano na naman kayang pangyayari ang dapat nating kapulutan ng aral dito?

Abangan ang muling pagbabalik ni Vice sa 100 Days to Heaven; mapapanood tuwing Lunes hanggang Biyernes sa ABS-CBN's Primetime Bida, pagkatapos ng TV Patrol.

Share

Monday, July 25, 2011

Jose at Wally, pasok sa Iskul Bukol ng TV5


Nagtaping na sina Jose Manalo at Wally Bayola na sikat na sikat sa kanilang portion na Juan for All : All for Juan sa Eat Bulaga sa TV5 comedy series na Iskul Bukol. Ang sabi kasi, sa unang episode pa lang ay nagpasabog na agad ng katatawanan ang dalawa, kaya dapat lang na hindi mabitin ang mga manonood sa kanila.

Siguradong magugustuhan ninyo ang role ng dalawang ito sa Iskul Bukol!


Share

Angeline Quinto, excited na sa magiging movie nila ni Coco Martin


Siguradong maraming tagahanga ni Angeline Quinto na ang kanilang hinahangaan ay susugalan naman ngayon ng Star Cinema para sa isang movie project.

Matapos ang ang successful concert niya sa Skydome kung saan tinawag siyang Superstar ng ating Asia's Songbird, 'eto naman at sasabak siya sa pelikula. Isa pa sa dahilan para siya ay maexcite ay dahil makakasama niya ang showbiz crush niyang si Coco Martin.

Siguradong sa mga susunod na buwan ay sasabak na siya sa matitinding acting workshops para paghandaan ang movie na ito.

Share

Jennylyn Mercado, kakaririn ang paghohost


Mukhang magiging regular host na si Jennylyn Mercado sa Showbiz Central at may sarili na itong segment kung saan siya ang nag-iinterview ng mga guests. Ang huli niyang ininterview last Sunday ay ang cast ng Captain Barbell na pinangungunahan ni Richard Gutierrez. Magpopromote kasi sila ng last week ng telefantasyang Captain Barbell.

Bukod sa pagiging host ng Showbiz Central ay mapapanood na rin siya sa The Protégé bilang isang strands host kasama nina Ogie Alcasid at Dingdong Dantes na ma hosts din sa The Protégé. Malamang na magpilot na rin ang ang singing competition na ito ngayong September.

Mukhang nahihiyang si Jennylyn bilang isang host at nalilinya na rin sa sinasabing boyfriend niya ngayong si Luis Manzano. Okey naman si Jennylyn sa hosting dahil hindi siya nagpapahuli sa kanyang mga kasamahan sa Showbiz Central at talagang may laman ang mga itinatanong niya.

Share

Milkach Wynne Nacion, bagong child star ng GMA7!


Nitong first week lang ng July ay nakapili na ng bagong child star (see the link) ang GMA7 para gumanap sa isang importanteng role sa pinakabagong telefantasya ng GMA7 na "Iglot". Siya nga ay si Milkach Wynne Nacion na gaganap bilang anak ni Claudine Barreto.

Nakapagfirst taping day na rin ang "Iglot" sa Arayat, Pampangga. Ang naunang location sana sa Albay ay hindi na natuloy dahil umuulan ngayon doon at mahihirapan silang makapagtaping.

Bukod kay Claudine ay makakasama pa ni Milkach sina Jolina Magdangal, Luis Alandy, Celia Rodriguez, Marvin Agustin at marami pang iba. Ang seryeng ito naman ay idederehe ni Direk Gil Tejada.

Share

Sina John Pratts at Bianca Manalo na nga ba?


Last month lang ay nabalitang nagkahiwalay sina John Pratts at Rachelle Ann Go (see the link) at ang sinasabing dahilan ng pagbebreak ng dalawa ay ang co-host ni John na si Bianca Manalo sa noontime show ng ABS-CBN na Happy! Yippie! Yehey! Idineny naman nina John at Bianca ang tsismis na ito.

Noong isang araw lang ay nagpaunlak sina John at Bianca sa panunukso ni Pokwang na magkiss sila kahit sa TV lang (see the link). Nasa studio kasi si Bianca habang si John naman ay nasa isang malayong baranggay para sa segment na Ikaw ang Bida sa Happy! Yippie! Yehey!.

Marami naman ang nakapansin sa episode ng Banana Split na isa sa mga audience noong Sabado ay si Bianca kung saan mainstay si John. Hindi guest si Bianca kundi audience lamang. Obvious naman na isa sa mga dahilan ng pagpunta niya ay si John, hindi ba? Hindi ba ito sign na sila na at lantaran na itong ipinakikilala sa publiko ang totoo?

Share

DISCLAIMER

All the videos and contents are to their respectful owners. No copyright infringement intended. Some videos are linked for youtube.com, justin.tv, ustream, etc.

LionhearTV simply provides the information for readers who may be interested.

LionhearTV claims no credit for any images featured on this site unless otherwise noted. If you own the rights to any of the articles, images or videos and do not wish them to appear on the site please contact us and they will be promptly removed.

Email me:

All rights reserved : Lionheart 2009
for feedback - email me at AOLionheart@yahoo.com
Related Posts Plugin for WordPress, Blogger...
Twitter Delicious Facebook Digg Stumbleupon Favorites More

 
Design by Free WordPress Themes | Bloggerized by Lasantha - Premium Blogger Themes | Bluehost Coupons