Search This Blog

Loading...

Tuesday, August 30, 2011

Iglot, waging-wagi sa pilot episode!


Ang pinakabagong telefantasya ng GMA7 na Iglot na nagsimula na noong Lunes (August 29, 2011) ay waging-wagi sa ratings. Nakapagtala ito ng 12.6% based on the overnight People/Individual ratings of AGB Nielsen among Mega Manila households. Nakakuha ito ng third spot na pinangunahan ng Amaya na nakakuha ng 16.9% at Munting Heredera na may 15.4%.

Worth it ang paghihintay sa seryeng ito ng nag-iisang Optimum Star na si Claudine Barreto. Maganda namang simula ito sa baguhang si Milkach Wynne Nacion dahil hit ang kanyang kauna-unahang seryeng kinabibilangan.

Share

Maria Aragon, napiling kumanta para sa pangatlong laban ni Manny Pacquiao VS Juan Manuel Marquez


Kasado na nga ngayong November 12, 2011 (see the link) ang susunod na laban ng ating pambansang kamao na si Manny "Pacman" Pacquiao laban kay Juan Manuel Marquez ng Mexico. Ito na bale ang pangatlong beses na magsasagupa ang dalawa.

Ang Kapamilya contract international singer artist naman na si Maria Aragon ang personal na napili ni Cong. Manny Pacquiao na kumanta ng Philippine National Anthem para sa kanyang upcoming 3rd Fight against Juan Manuel Marquez.

Share

Pacquiao VS Marquez III, kasado na!


Kasado na nga ang muling laban ng ating pambansang kamao na si Manny Pacquaiao! Ngayong November 12, 2011 ay muling lalaban ang ating pambansang kamao na si Congressman Manny "Pacman" Pacquiao for the third time kay Juan Manuel Marquez ng Mexico. Una silang nagsagupa noong 2004 at 2008.

Matutunghayan sina Manny Pacquiao at Juan Manuel Marquez sa SM Mall of Asia ngayong September 3 para sa kick off ng kanilang promotional tour for their upcoming November 12 fight at the MGM Grand in Nevada, Las Vegas.

Mapapanood ang kabuuan ng laban nito sa GMA Network.

Share

Milkach Wynne Nacion, dumaan din sa mga kamay ni Beverly Vergel


Hindi lang pala asi Claudine Barreto ang dumaan sa acting workshop para sa seryeng Iglot ng GMA7 kundi pati na rin ang batang baguhan na si Milkach Wynne Nacion. Si Beverly ang nagturo sa baguhang childstar na si Milkcah Wynne Nacion ng tamang pag-ar­te.

Marami naman ang natuwa at maganda ang pagkakaarte at tamang-tama ang pagkapili sa kanyang role bilang si Luningning sa Iglot. Kasisimula pa lamang ng Iglot sa GMA Telebabad noong Lunes pero marami na ang nahook sa kakaibang kwento nito.

Si Bever­ly Vergel ang acting coach ng Iglot cast kaya siguradong magiging maganda ang acting ng lahat ng cast dito.

Share

Monday, August 29, 2011

Mini-series ng TV5 na "Sa Ngalan ng Ina", inaabangan na!


Nagsimula na raw gumiling ang camera sa kauna-unahang mini-series at kauna-unahang serye ng Superstar na si Nora Aunor sa TV5. 'Sa Ngalan ng Ina' na raw ang final title nito (see the link).

Marami na nga raw ang nag-aabang at malaki ang expectations sa seryeng ito lalo na't lahat halos ng makakasama ng Superstar ay mga bigatin plus ang istorya raw na talagang pinaghirapan at pinag-isipan.

Makakasama pa ng Superstar sina  Christopher de Leon, Eugene Domingo at Rosanna Roces at ito nama'y idederehe ni Mark O‘ Hara na una niyang nakasama sa 'Tatlong Taong Walang Diyos' noong 1980s pa.


Share

'Nasaan Ka Elisa', ipapalabas na rin sa wakas!


Misteryo talaga ang pagkawala ni Elisa Altamira sa kwnetong Nasaan Ka, Elisa? na pinagbibidahan ni Melissa Ricks. Pero naging misteryo rin ang supposed to be premiere nito noong March 21 na naudlot na nang naudlot dahil sa napakaraming dahilan.

Finally raw ay sure na sure na ang pagsisimula nito ngayong September. At hindi na raw ito sa Kapamilya Gold tulad nang ilaunch ito dahil sa Primetime Bida na raw matutuloy ang airing nito. Gabi-Gabi nating hahanapin si Elisa Altamira simula ngayong Setyembre sa Primetime Bida ng ABS-CBN.

Share

Bagong movie nina Toni Gonzaga at Eugene Domingo, pinakakaabangan na!


Siguradong riot ang magiging kauna-unahang pagtatambal ng dalawang aktres na talagang kinikilala sa kanilang husay sa komedya at pag-arte.

Inaabangan na nga raw ang kauna-unahang movie nina Eugene Domingo at Toni Gonzaga na "Wedding Tayo, Wedding Hindi" ng Star Cinema kung saan kasama ng dalawa sina Wendell Ramos at Zanjoe Marudo. Makikita raw natin dito kung gaano ka-witty ang dalawang bida rito.

Ngayong August 31, 2011 na ito magsisimula sa sinehan na idinerehe naman ni Direk Jose Javier Reyes.

Here's the trailer of "WEDDING TAYO WEDDING HINDI"
starring Eugene Domingo, Toni Gonzaga, Zanjoe Marudo,
Wendell Ramos and many more....


Share

'Kung Aagawin Mo Ang Langit', pagsasamahang serye nina Michelle Madrigal, Mike Tan at Carla Abellana


Tuloy na tuloy na nga ang 'Kung Aagawin Mo Ang Langit' na pagsasamahan nina Michelle Madrigal at Carla Abellana. Si Paulo Avelino ang original leading man dito na pinalitan ni Mike Tan dahil nga lumipat na sa Kapamilya Channel si Paulo.

Makakasama pa nila sina Ricky Davao at Sharmaine Centena sa seryeng ito na may original na title na 'Magkaagaw'. Ang 'Kung Aagawin Mo Ang Langit' ang nakatakdang pumalit sa timeslot na iiwan ng 'Sisid' sa Dramarama sa hapon ng GMA7.

Share

Sunday, August 28, 2011

Enzo Pineda, okey lang tumanggap ng roles na pambading


Kakatapos lang ni Enzo Pineda na magcelebrate ng kanyang 21st birthday weeks ago na ang nakakalipas. Nakilala siya bilang finalist ng GMA7's Starstruck V.

Pagdating naman sa usapin tungkol sa mga kasabayan ay hindi raw insecure si Enzo sa mga projects na dumadating kay Rocco Nacino dahil may kanya-kanya raw silang forte at panahon. Bata pa raw siya at marami pa siyang panahon para paghandaan ang mga mature roles. Okay lang daw sa kanya na gumanap na bading sa movie basta maganda ang script. Gusto raw niya ay drama para maipakita ang acting skills niya.

Sa personal na buhay ay okay raw sila ni Louise delos Reyes, although wala pa silang malalim na relasyon. Ang maganda ay close raw ang family nila sa isa’t isa.

Si Enzo nga pala ay abala sa "Time Of My Life" na danserye na marami talaga ang sumusubaybay ngayon dahil sa magandang istorya nito. Mapapanod ang "Time of My Life" sa GMA Telebabad pagkatapos ng "Munting Heredera".

Share

Iglot, huling serye ni Marvin Agustin sa GMA7?


Nag-expire na ang kontrata ni Marvin Agustin sa GMA Artist Center last month nang ’di napansin ng in-charge rito. Dahil dito ay mayroong balita na naman kung lilipat siya o mananatili sa GMA7.

Kapag bumalik ang aktor sa ABS-CBN o lumipat sa TV5, baka maging last show na niya sa GMA-7 ang Iglot.

Mamayang gabi na magsisimula sa GMA Telebabad ang "Iglot" kung saan kasama ni Marvin ang mga Ex-Kapamilya stars na sina Claudine Barreto, Jolina Magdangal, Pauleen Luna at Patrick Garcia.


Share

Dingdong Dantes, naghahanda na para sa balik tambalan nila ni Rhian Ramos


Marami ang nakakapansin sa muling pagbabawas timbang ni Dingdong Dantes. 'Yun pala ay naghahanda ito para sa kanilang bagong serye nila ni Rhian Ramos. Bale ito na ang balik-tambalan nila mula nang magtambal sila sa "Stairway to Heaven".

“So pinaghahandaan ko yun,” sinabi ni Dingdong sa isang interview. Mukha kasing mapapadalas na namang makita na shirtless si Dingdong sa TV sa kanyang magiging bagong seryer kaya ganito ang mga paghahanda niya.

Share

Tambalang Charee Pineda at JM de Guzman, masusubukan sa isang bagong teleserye


Nakitaan ng kakaibang chemistry sina JM de Guzman at Charee Pineda na kahit hindi sila loveteam sa nagtapos na teleseryeng "Mula sa Puso".

At dahil doon, magkakaroon na raw sila ng sarili nilang teleserye. Kinumpirma na rin 'yan ni Direk Lauren Dyogi sa kanyang twitter account. Mukhang marami ang matutuwa nito dahil kahit papaano ay nagkaroon ng tagasubaybay ang dalawa as loveteam sa "Mula sa Puso"

Share

New TV5 kumare is coming to town


Rumor has it that a new kumare will soon do the hosting chores together with Tiyang Amy Perez and Nyora Chiqui Roa-Puno on Sapul sa Singko’s mommy-centric segment ‘Kumare Tips.’

The segment dedicated to giving mothers homemaking solutions, financial literacy and other household concerns has been gaining quite a following after its debut on the morning show. And to stir up who the latest kumara is, TV5 recently launched its mobile campaign, “Sino ang Bagong Kumare?” text promo.

Everyone gets the chance to win one of the 50 Kumare Kikay Kit (KKK) treats worth 2,000 pesos each! Just text KK and send to 2346. Each SMS costs Smart and Globe subscribers P2.50, while P2.00 for Sun subscribers.

The announcement of 50 winners will happen on September 5 (Monday) during the unveiling of the new kumare at 7am on TV5. Watch out for a bigger and better Kumare offering only on the Kapatid Network morning block.

Share

Friday, August 19, 2011

Cesar Montano, Kapuso pa rin


Nakatakdang pumirma muli ng kontrata sa GMA Network si Cesar Montano taliwas sa mga balitang mag-oober da bakod na ito sa TV5.

Kahit na napabalitang may tampo ito sa GMA7 dahil sa pagbabago ng timeslot ng sitcom na "Andres de Saya" ay hindi pa rin ito dahilan para iwan nito ang Kapuso Network.

Mas priority pa rin daw ng aktor ang GMA7 kahit na wala pa itong inilalatag na plano sa kanya.

Share

Thursday, August 18, 2011

Andres de Saya, magpapaalam na ngayong Linggo


Last episode na ng "Andres de Saya" ang mapapanood bukas sa GMA7.

Naging maganda ang pagsisimula ng sitcom na ito sa Kapuso Network at waging-wagi ito sa naging timeslot nito ng Saturday. Sa pagkawala ng Show Me Da Manny, inilipat ito ng Sunday at nag-fill ng timeslot na iniwan ng Show Me Da Manny.

Hindi naman lingid sa kaalaman ng lahat na naghahari sa timeslot na 'yun ang talk show ni Vice Ganda na Gandang Gabi Vice.

Hindi pa alam ng mga staff at cast ng "Andres de Saya" kung totoong may season 2 pa ito.

Share

Si Angel Locsin pa rin kaya ang may huling halakhak sa "Angela Markado"?


Bago pa man umalis si Angel Locsin sa Kapuso Network, maugong na ang balitang siya ang magbibida sa dapat na sana'y TV remake ng movie na ito ni Hilda Koronel.

Dahil wala na si Angel Locsin sa GMA7, napabalitang inalok na ang project na ito kina Katrina Halili, Jennylyn Mercado at Nadine Samonte. Pero kahit na isa sa mga ito'y hindi natuloy at hanggang plano lang.

Ngayong 2011, nakuha na ng Viva Films ang rights ng movie na ito mula sa panulat ni Carlo Caparas, dalawa ang maugong na pangalan para gumanap dito, ang dalawang nagreyna bilang FHM's sexiest - si Sam Pinto at Angel Locsin.

Batay sa ating poll na ginawa noong isang araw (see the link), landslide ang botohan at si Angel Locsin ang mas pinaboran. Mangangahulugan kaya itong para kay Angel na talaga ang project na ito na this time ay movie na?

Share

Wednesday, August 17, 2011

Paulo Avelino, makakasama agad sina Coco Martin at Julia Montes sa isang teleserye


Ngayong opisyal na Kapamilya na si Paulo Avelino, inaabangan na ang magiging kauna-unahang teleserye sa Kapamilya Network!

Napapabalitang sina Coco Martin at Julia Montes ang makakasama agad niya sa proyektong ito na siguradong hindi lang basta-basta ang istorya. Knowing Coco Martin, wala pa siyang pinagbidahang teleserye na hindi pumatok at si Julia Montes naman ay ginugroom ng ABS-CBN para maging isa sa mga future superstars nila. Ayon sa balita, mala-Wuthering Heights daw ang magiging konsepto ng teleseryeng ito.

Siguradong magiging kaabang-abang talaga ito. Pero ang tanong ngayon, ito nga ba ang teleseryeng dapat sana ay kay Albie Casino at Yen Santos o iba pa?

Share

Lorna Tolentino and Alice Dixson to star in upcoming TV5 series


Grand Slam actress Lorna Tolentino and Ms Alice Dixson are slated to topbill the upcoming Kapatid series ‘Glamorosa.’ The series is set to be LT’s first project with TV5 following her reported transfer to the Kapatid Network. Lorna Tolentino’s series on ABS-CBN is scheduled to end this week.

Meanwhile, Alice is scheduled to return to the country by the end of the month to start taping for ‘Glamorosa,’ her next big project on TV5 after the highly-successful series ‘Babaeng Hampaslupa.’

Share

Kahit umaalagwa sa ratings ang Wil Time Big Time, Willie Revillame patuloy na natututo sa mga kontestant


Nanguna ang Wil Time Bigtime sa lahat ng katapat nitong programa nitong Sabado (Agosto 13), ayon sa Nielsen Media Research. Nagtala ang programa ng bayan ng 6.5% AMR o 28.8% audience share sa MegaTam, kumpara sa 4.9% AMR (21.3% share) ng ABS-CBN at 5.8% AMR (25.3% share) ng GMA.

Ang Wil Time Bigtime din ang pinakatinutukang game-variety show noong Sabado sa buong bansa. Base sa nationwide urban TV ratings ng Nielsen noong Agosto 13, nagtala ng halos 2.7 milyong manunuod ang programa kumpara sa 2.1 milyong viewers ng The Price is Right ng ABS-CBN. Mas marami naman ng halos 400,000 viewers ang show nina Kuya Wil at Shalani sa Manny Many Prizes ng GMA na may mahigit 2.3 milyong viewers nationwide.

Ngunit sa kabila ng pamamayagpag sa ratings—at sa hindi na mabilang na kwento ng mga kababayang naibahagi sa kanyang mga programa noon at ngayon—hindi pa rin inaasahan ni Kuya Wil na iba pa rin ang epekto sa kanya ng kwento ng mag-asawang bulag na naging bisita nila sa Wil Time Bigtime kamakailan.

Mula pa sa Baguio, nagsilbing mata ng bulag na mag-asawa ang kanilang limang-taong anak upang makarating ng Maynila at mag-audition sa Wil Time Bigtime. Nagbunga naman ang hirap na pinagdaanan nila dahil maswerte napili si JR, isang blind massage, upang makasali sa Wil Time Bigtime segment kung saan mahigit P3.5 milyong papremyo ang naghihintay na mapanalunan.
Sa kanilang interview portion, naging bukas si Kuya Wil sa pag-hanga kay JR dahil hindi humihingi ng labis sa kanilang pangangailangan ang mag-asawa. Sa halip na P5,000, nakatanggap ng P37,000 mula kay Kuya Wil. “Kahit hindi na po ako manalo ngayon malaking tulong na po 'to. Hindi ko na hangad na makuha ang jackpot,” ang maluha-luhang sabi ni JR. Gagawin daw niya itong puhunan sa pagba-buy-and-sell ng gulay sa Baguio.

Aminado naman si Kuya Wil na nagising siya sa natatanging karakter na ipinakita ng mag-anak. "Alam mo, JR, inspirasyon kayo sa'ming mga normal na tao. Inspirasyon kayo sa'min na minsan marami pang hinahangad sa buhay, marami pang hinihingi. Pero samantalang kayo simple lang,” ayon sa Wil Time Bigtime host. "Napakaswerte namin na naging bisita namin kayong lahat kasi namumulat kami kung gaano kahalaga ang tunay na pagmamahal sa kapwa." Bukod sa P37,000 pera, nangako si Kuya Wil na ipahahatid niya ang mag-anak pabalik ng Baguio.

Share

Paulo Avelino, iwewelcome na sa ASAP Rocks ngayong Linggo!


Huwag nang magtaka kung makita natin this coming Sunday si Paulo Avelino sa ASAP Rocks. Formally ay iwewelcome na siya ng mga sikat na artists ng ABS-CBN ngayong Linggo.

Mula sa Kapuso Network ay pumirma ng dalawang taong kontrata si Paulo Avelino (see the link) kasama ang kanyang manager na si Leo V. Dominguez sa harap ng mga ABS-CBN Executives - Channel Head Cory Vidanes and Business Unit Head Deo Endrinal,.

Share

"Problem Child" ni Albie Casiño, nanganganib maagaw ni Paulo Avelino


Mukhang nanganganib ang "Problem Child" project para kay Albie Casiño sa pagdating ni Paulo Avelino sa ABS-CBN.

Balitang-balita kasi na sa kay Paulo Avelino in-offer ang project na ito na una namang nabalita rin na in-offer kay Albie Casiño. Kaya naman naghanda si Albie para dito at katunayan ang kanyang magandang pangangatawan ngayon. May sexy scenes kasi sa movie version nito at talagang dapat physically fit ang gaganap sa main role nito.

Ngayong dalawa na ang nababalitang magiging lead nito - sina Albie Casiño at Paulo Avelino, sino kaya sa kanila ang nararapat para maglead sa proyektong ito?

Share

Dahil sa pagkawala ni Paulo Avelino; Mike Tan, nagkaroon ng trabaho


Si Mike Tan na nga ang kumpirmadong papalit sa role na dapat na sana'y kay Paulo Avelino na ngayon ay nasa ABS-CBN. "Magkaagaw" ang dapat na title nito pero napalitan na raw ng "Kung Aagawin Mo ang Lahat".

Sa panahon ngayon, hindi na issue kung replacement lang ang isang artista sa isang role or second choice lang ito. Ang mahalaga ay kung kanino ito huling naibigay ang proyekto at kung natuloy ito.

Matagal-tagal na rin naman na walang serye si Mike Tan sa GMA7 kaya dapat lang na sa kanya 'yun.

Share

Tambalang JuliElmo, pang-primetime na!


Sa primetime series na "Daldakina" nga mapupunta ang tambalan nina Julie Anne San Jose at Elmo Magalona na mas kilala bilang "JuliElmo" na unang nabuo sa sunday variety show na Party Pilipinas. Mawala man ang sitcom na "Andres de Saya" ay solved pa rin ang mga fans nila sa bago nilang project na ito.

Isa daw sa mga pakakaabangan ninyo dito sa seryeng ito ay ang nakakainlove na love story ng dalawa.

Bida sa daldakina ang over sa kulit na batang si Jillian Ward.

Share

Tuesday, August 16, 2011

Just One Summer, movie debut ng tambalan nila Elmo Magalona at Julie Anne San Jose


Pagkatapos madiscover ang loveteam at pumatok sa stage play ng Party Pilipinas na "Wazak", heto na naman ang tambalan nina Julie Anne San Jose at Elmo Magalona na mas kilala sa name na "JuliElmo" para magpakilig sa ating lahat.

Dating ipinangako ng GMA na magkakaroon ng "Wazak the Movie" bilang clamor na rin sa mga hinaing ng fans dahil sa tagumpay ng stage play ng "Wazak" sa Party Pilipinas. Hindi naman ito natuloy dahil na rin sa hindi alam na dahilan pero ngayon daw ay tuloy na tuloy na at "Just One Summer" na raw ang final title.

Maraming nag-akala na magkakaroon ng JuliElmo moments sa movie na magbubukas sa sinehan next next week na "Tween Academy: Class of 2012" kaso hindi possible dahil magkacameo role lang si Julie Anne dito.

Sa January 2012 daw nakaset ang movie na ito bilang initial offering ng GMA Films sa taong 2012.

Share

"Sa Ngalan ng Ina", final title na raw ng drama serye ng Superstar sa TV5


Hindi na "Madre de Familia" kundi "Sa Ngalan ng Ina" na ang title ng magiging kauna-unahang drama serye ng Superstar na si Nora Aunor sa TV5.

Marami na ang nag-aabang sa muling pagbabalik ng nag-iisang Superstar sa telebisyon. Kaya naman mataas talaga ang expectations ng lahat sa magiging dramaserye na ito ng Superstar.

Ilan sa mga confirmed na cast nito ay sina Eula Caballero, Eugene Domingo, Rosanna Roces at Christopher de Leon. Ito rin bale ang magiging reunion project nila ng director na si Mario O' Hara na nakasama niya da "Tatlong Taong Walang Diyos".

Share

Monday, August 15, 2011

Angel Locsin VS Sam Pinto: Sinong babagay bilang "Angela Markado"?


Ang dalawang naging FHM's sexiestna si Angel Locsin at Sam Pinto ang napipisil na gumanap sa bagong Angela Markado. Una nang napabalitang si Katrina Halili ang gaganap dito pero hindi na natuloy sa hindi pa alam na dahilan.

Si Sam Pinto ang orihinal na napipisil talaga ng Viva Films para gumanap pero may nag-suggest na kung bakit hindi na lang si Angel Locsin ang kunin for Angela Markado na isa sa mga nobela ni Direk Carlo na nabili ng Viva.

Si Carlo Caparas ang may-akda nito sa Komiks at si Hilda Koronel ang kauna-unahang nagsabuhay kay Angela Markado na nagmarka sa mga nakapanood na ng pelikulang ito.

Sino kaya kina Sam Pinto at Angel Locsin
ang babagay bilang bagong "Angela Markado"?


Share

GMA7, may pinaplanong serye kay Glaiza de Castro


Anytime daw ay magsisimula na ang bagong project ni Glaiza sa Kapuso Network.

Kaya naman malapit nang patayin ang character ni Glaiza sa Amaya dahil may pinaplanong bagong soap para sa actress na sumikat via Grazilda. Maganda naman kung gayon dahil naghintay naman si Glaiza at ito na nga siguro ang tamang panahon.

Wala pang kasiguruhan kung panghapon ba ito or primetime.

Share

Jennylyn Mercado, papalitan ni Claudine Barreto sa Showbiz Central


Magiging co-host ng one month si Claudine sa Showbiz Central, siya ang papalit kay Jennylyn Mercado na magiging busy dahil sa kanyang hosting naman ng The Protégé.

Ngayong August 29, 2011 magsisimula ang Iglot ni Claudine at ngayong September naman daw nakaset na magsimula ang The Protégé.

Share

Iglot, magsisimula na ngayong August 29, 2011


Kumpirmadong sa August 29, na ang pilot ng Iglot at wala itong papalitang soap ng GMA 7 dahil extended ang Munting Heredera ng 10 weeks.

Hahaba ang Telebabad block ng network dahil anim na ang panonoorin at mauuna ang Iglot dahil after 24 Oras ang time slot nito at susunod ang Amaya at pagkatapos naman ay ang Munting Heradera at susundan ng Big Thing.

Share

"Bagets", may second season na


Magkakaroon na raw ng second season ang youth orieted serie ng TV5 na "Bagets" kung saan bida ang mga baguhang sina AJ Muhlach, Nadine Lustre, Josh Padilla, Shy Carlos, Rico dela Paz, Johan Lourens, Eula Caballero, Aki Torio at Meg Imperial.

Hindi raw totoong mawawala na ito sa ere dahil nagrerate ang seryeng ito sa timeslot nito at patok na patok sa mga "Bagets" stars sa lahat ng mga pinupuntahan nitong mall shows.

Katunayan nga raw ay madadagdag pa sina Wally Bayola at Jose Manalo sa ast nito. Nagrate raw kasi 'yung isang beses na nagguest ang dalawang ito sa show.

Share

Kapamilya, Deal or No Deal, muling magbabalik


Sigurado nang magbabalik ang gameshow ni Kris Aquino for another season of Kapamilya, Deal or No Deal!

Mukhang excited na ang lahat lalong-lalo na ang host nito na si Kris Aquino. Matagal na kasing nabalita ang muling pagbabalik nito (dahil halos isang taong mahigit na rin itong nawala sa ere) pero hindi pa matuloy-tuloy.

Balitang sa last quarter daw ng 2011 ito magsisimulang umere sa ABS-CBN!

Share

Iza Calzado, nakikipag-ugnayan na sa TV5?


Nagkaroon ng balitang nakikipag-ugnayan na ang kampo ni Iza Calzado sa TV5 at nagbabalak na itong lisanin ang TV5. Pero pinabulaanan ito ng managerniyang si Noel Ferrer.

Ayon sa manager ni Iza Calzado na si Noel Ferrer, wala raw pag-uusap na nagaganap para sa paglipat ng aktres sa TV5. "No kapatid... No talks like that," sabi niya sa text message na ipinadala niya sa PEP ngayong gabi. (Scoopbox)


Share

Sa pagtatapos ng kontrata ni Carmina Villaroel sa Kapuso Network, manatili pa rin kaya siya or lilipat na?


Magtatapos na ngayong December ang kontrata ni Carmina Villaroel sa GMA7. Ang tulad niyang aktres ang siguradong magkakaroon ng offers mula sa dalawa pang malaking television company sa Pilipinas - ang ABS-CBN at TV5.

Muntikan na raw kasing matuloy ang paglipat niya kundi lang naagapan ng Kapuso Network sa pagbibigay sa kanya ng bagong project via "Pahiram ng Isang Ina".

Pero sa pagtatapos ng kanyang kontrata, magrenew kaya ulit siya bilang Kapuso sa GMA7 or lumipat na siya sa ibang istasyon? Ang manager ni Carmina na si Dolor Guevarra ay tikom pa rin ang bibig tungkol sa usaping ito.

Share

Buhay ni Marcelito Pomoy, isasabuhay ni JM de Guzman sa MMK


Ang buhay ng Pilipinas Got Talent season 2 grand winner na si Marcelito Pomoy naman ang tampok ngayong Sabado sa longest drama anthology on Philippine Television, ang MMK hosted by Charo Santos Concio.

Si JM de Guzman ang napiling gumanap sa para isabuhay ang mga pinagdaanan ni Marcelito Pomoy. Ating kilalanin ang tunay na Marcelito Pomoy ngayong darating na Sabado sa MMK, sa ABS-CBN!

Share

Paulo Avelino, certified Kapamilya na talaga!


Ilang beses naudlot, ilang beses ding hinabol pero sa huli, sa Kapamilya pa rin nagtuloy si Paulo Avelino! Kahapon lang ay nakausap si LJ Reyes at pinabulaanan nitong natuloy na sa Kapamilya si Paulo Avelino (see the link) pero nagmukha siyang walang kaalam-alam sa pangyayari.

Natuldukan lang ang issue nang magkaroon ito ng onfirmation thru Darla Sauler. Pumirma na nga raw ng 2-year contract sa ABS-CBN si Paulo at present sa contract signing ang ABS-CBN Executives - Channel Head Cory Vidanes and Business Unit Head Deo Endrinal, and Paulo's manager Leo Dominguez.

Share

Lorna Tolentino, magiging Kapatid na!


Tuloy na tuloy na raw sa pagiging Kapatid ng Grandslam Actress na si Lorna Tolentino. May nakahayin na raw na proyekto ang Kapatid Network sa kanya. Ngayong biyernes nakatakdang matapos ang teleserye niyang "Minsan Lang Kita Iibigin" sa ABS-CBN.

"Sekada" raw ang magiging title ng seryeng ito na family drama raw ang genre. Makakasama rin daw ni Lorna ang beteranang aktres na si Susan Roces.

Share

Sunday, August 14, 2011

LJ Reyes, pinabulaanang Kapamilya na si Paulo Avelino


Sa isang interview ay pinabulaanan ni LJ Reyes ang isyung lilipat si Paulo Avelino sa ABS-CBN.

"Hindi! Sa GMA pa rin siya. He's starting a new show na Magkaagaw", sabi ni LJ Reyes.

Tulad ng inereport namin last week, parte pa rin siya ng bagong dramarama ng GMA na "Magkaagaw". Hindi lang natuloy ang presscon dahil biglaang nagkasakit ang isa sa mga lead stars na si Carla Abellana.

Si Paulo ay ang Magiging leading man nina Carla Abellana at Michelle Madrigal sa bagong serye na ito ng GMA7.

Hanggang ngayon ay wala pang opisyal na pahayag mula sa kampo ni Paulo.

Share

Saturday, August 13, 2011

The Most Popular Teens of 2011

Pinangunahan ni Kathryn Bernardo ang listahan ng mga nominado sa Most Popular Teens ngayong 2011 sa poll na ginawa ng LionhearTV (http://facebook.com/LionhearTV)!
Here's the list for the Most Popular Teens:
BOYS (click the link)
GIRLS (click the link)

Sila ang mga pasok sa ating Top 10 Most Popular Teens sa taong 2011! Congratulations!

2011' Most Popular Teens

1. Kathryn Bernardo 2,914

 2. Julia Montes 2,738

 3. Julie Anne San Jose 2,392

 4. Sam Concepcion 2,103

 5. Devon May Seron 2,099

 6. James Reid 2,072

 7. Kiray Celis 1,779

 8. Tricia Santos 1,643

 9. Neil Coleta 1,540

 10. Bea Binene 1,477

ERRATUM: 

Share

Most Popular Teens of 2011 (Boys)


Pinangunahan ni Sam Concepcion ang listahan ng mga boys na nominado sa Most Popular Teens ngayong 2011 sa poll na ginawa ng LionhearTV (http://facebook.com/LionhearTV)!

Nakapagtala si Sam Concepcion ng 2, 103 total of votes sa poll. Si Sam Concepcion ay produkto ng Little Big Star kung saan host si Sarah Geronimo sa ABS-CBN. Si Sam ang big winner (big division) kung saan runners up niya sina Gian Barbarona at Charice Pempengco. Una niyang naging projet sa ABS-CBN ay ang hit primetime series ng 2006 na "Mga Anghel na Walang Langit". Pagkatapos noon ay nagsunod-sunod na ang kanyang mga projects - Your Song, Super Inggo, Walang Kapalit, I ♥ Betty La Fea, Lipgloss, Maalaala Mo Kaya at marami pang iba. Hindi na rin mabilang ang dami ng endorsements niya at mga pagkilala mula sa iba't-ibang award-giving bodies. Sa ngayon ay napapanood si Sam sa sunday variety show na ASAP Rocks at Good vibes! Kasama rin siya sa Star Cinema movie na "Way Back Home" na ipapalabas na ngayong August 17, 2011.

Sumusunod kay Sam ay si James Reid na nakapagtala ng 2, 072 total of votes sa poll. Si James Reid naman ay produkto ng Pinoy Big Brother at siya ang tinanghal na Pinoy Big Brother: Teen Clash 2010 Big Winner kahit hindi nananalaytay sa kanya ang dugong Pilipino. Umani kasi siya ng paghanga mula sa mga taong bumuto sa kanya. Napapanood ngayon si James sa "Good Vibes" at "ASAP Rocks" sa ABS-CBN. Kamakailan lamang ay nagkaroon siya ng guesting sa Kapuso Network via "Maynila".

Pumangatlo sa poll si Neil Coleta na nakapagtala ng 1,540 total of votes. Si Neil Coleta naman na lalong nakilala bilang commercial model ng Nestea ay pormal nang naging Kapamilya ngayong taon. Marami na siyang nilabasang shows mula sa GMA7, TV5 at sa ABS-CBN pero mas lalo siyang nakilala sahil sa Nestea commercial niya. Napapanood ngayon si Neil sa teleseryeng 100 Days To Heaven at madalas nagguguest sa "ASAP Rocks" sa ABS-CBN. Isa sa mga aabangang show kay Neil ay ang "Growing Up" na pinagbibidahan nina Kathryn Bernardo at Julia Montes.

Pumang-apat sa poll si Elmo Magalona na nakakuha ng 1, 369 total of votes. Si Elmo Magalona ay anak ng kinikilalang master rapper na si Francis Magalona. Sa ngayon ay napapanood si Elmo Magalona sa "Andres de Saya" kasama ang kaloveteam niyang si Julie Anne San Jose. Kumpirmado na ring kasama sila ni Julie Anne sa pagbibidahang project ni Jillian Ward sa primetime na may title na "Daldakina". Kasama si Elmo sa movie na "Tween Academy Class of 2012" at bali-balitang magkakaroon na sila ng sarili nilang movie ng katambal niyang si Julie Anne sa susunod na taon.

Panglima si Jake Vargas na nakakuha ng 1,363 total votes sa ating poll. Isa si Jake Vargas sa mga discoveries ni German Moreno at isinama ito bilang isa sa mga stars ng "Walang Tulugan". Si Jake Vargas ay mas lalo pang nakilala nang mapasama siya sa sa seryeng "First Time" na talagang pumatok. Pagkatapos noon ay nagsunod-sunod na ang projects at kasalukuyan siyang napapanood sa "Walang Tulugan", "Tween Hearts" at sa "Party Pilipinas". Malapit nang magsimula ang showing ng kanilang pelikulang "Tween Academy Class of 2012" sa sinehan ngayong August 24. Magkakaroon na rin si Jake ng sarili niyang soap na magsisimula na sa Lunes at ito nga ay ang "Pahiram ng Isang Ina" kung saan kasama niya ang kaloveteam niyang si Bea Binene.


Sila ang mga pasok sa ating Top 5 Most popular teen boys ngayon. Nasa ibaba ang buong listahan ng mga teen boys at ang mga nakuha nilang boto. Congratulations!

2011 Most Popular Teens (Boys)

1. Sam Concepcion 2,103
2. James Reid 2,072
3. Neil Coleta 1,540
4. Elmo Magalona 1,369
5. Jake Vargas 1,363
6. Albie Casiño 1,320
7. Kristoffer Martin 1,189
8. Diego Loyzaga 1,015
9. Derrick Monasterio 937
10. John Manalo 963
11. Alden Richards 751
12. Joshua Dionisio 649

Share

Most Popular Teens of 2011 (Girls)



Pinangunahan ng Mara-Clara stars na sina Kathryn Bernardo at Julia Montes ang mga Most Popular Teens ngayong 2011 sa poll na ginawa ng LionhearTV (http://facebook.com/LionhearTV)!

Sina Kathryn Bernardo at Julia Montes ay mga graduates ng gag show na Goin' Bulilit sa ABS-CBN at nabigyan ng malaking project at ito nga ay ang Mara-Clara.

Nanguna si Kathryn Bernardo na mas nakilala bilang Mara at nakakuha ng 2,914 votes. Si Kathryn ang sinasabing maaaring sumunod sa yapak ni Judy Ann Santos na kinikilalang Young Superstar ngayon.

Si Julia Montes naman na mas nakilala bilang Clara ay nakakuha ng 2,738 votes. Si Julia naman ang sinasabing susunod sa yapak ng nag-iisang Optimum Star na si Claudine Barreto.

Hindi na nga maawat ang kanilang pagsikat dahil masusundan agad ito ng isang youth oriented show na "Growing Up" na malapit nang ipalabas sa ABS-CBN. Mapapanood na rin sa mga sinehan ang movie nilang "Way Back Home" ng Star Cinema na talagang pinakaaabangan ng buong sambayanan ngayong August 17, 2011.

Si Julie Anne San Jose na produkto ng reality-singing search ng QTV noong 2005 ang pumangatlo sa poll. Hindi man siya ang naging winner ng kumpetisyon na 'yun ay nabigyan siya ng break ng GMA7 at napasama sa variety show na SOP at ngayon nama'y sa Party Pilipinas. Mas lalong gumanda ang career niya nang ipares siya kay Elmo Magalona at maisama sa sitcom na Andres de Saya at kabilang na siya sa bagong serye ng GMA7 na "Daldakina". May cameo apperance siya sa Tween Academy Class of 2012na ipapalabas na ngayong August 24, 2011. Mayroon na rin daw siyang movie na nakaset next year kasama ang kapares niyang si Elmo.

Si Devon Seron naman ay produkto ng reality show na Pinoy Big Brother Teen Clash at tinaguriang "Promdi Sweetheart ng Cebu". Hindi siya ang naging Big Winner kundi si James Reid na naging kaloveteam niya. Napasama si Devon bilang isa sa mga stars ng nawalang "ShoutOut" at regular na lumalabas sa ASAP Rocks at kasama na siya sa "Good Vibes". Lumabas na rin siya bilang guest artist kasama si James Reid sa drama anthology ng GMA7 na "Maynila"

Si Kiray Celis ay kasamahan nina Julia at Kathryn sa first batch ng Goin' Bulilit at nakilala doon bilang isang komedyante. Sunod-sunod ang mga guestings ni Kiray pagkatapos noon sa MMK, at iba pang shows sa ABS-CBN. Lalo pa siyang nakilala nang mapasama pa siya sa Mara-Clara at naging reunion project nila ito ng mga kasamahan niya sa Goin' Bulilit batch 1 stars na sina Julia at Kathryn. Napapanood si Kiray ngayon sa Happy! Yippie! Yehey! at malapit na sa youth oriented show na "Growing Up".

Sila ang mga pasok sa ating Top 5 Most popular teen girls ngayon. Nasa ibaba ang buong listahan ng mga teen girls at ang mga nakuha nilang boto. Congratulations!

Most Popular Teens of 2011 (Girls)


1. Kathryn Bernardo 2,914
2. Julia Montes 2,738
3. Julie Anne San Jose 2,392
4. Devon May Seron 2,099
5. Kiray Celis 1,779
6. Tricia Santos 1,643
7. Bea Binene 1,477
8. Barbie Forteza 914
9. Yassi Pressman 865
10. Sarah Lahbati 800
11 Louise Delos Reyes 783
12. Schai Sigrist 432

Share

DISCLAIMER

All the videos and contents are to their respectful owners. No copyright infringement intended. Some videos are linked for youtube.com, justin.tv, ustream, etc.

LionhearTV simply provides the information for readers who may be interested.

LionhearTV claims no credit for any images featured on this site unless otherwise noted. If you own the rights to any of the articles, images or videos and do not wish them to appear on the site please contact us and they will be promptly removed.

Email me:

All rights reserved : Lionheart 2009
for feedback - email me at AOLionheart@yahoo.com
Related Posts Plugin for WordPress, Blogger...
Twitter Delicious Facebook Digg Stumbleupon Favorites More

 
Design by Free WordPress Themes | Bloggerized by Lasantha - Premium Blogger Themes | Bluehost Coupons